GMA Logo Arra San Agustin, Juami Tiongson
Source: arrasanagustin (IG), juamitiongson (IG)
What's on TV

Arra San Agustin at ex-boyfriend Juami Tiongson, muling nag-uusap

By Kristian Eric Javier
Published December 27, 2024 1:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang eleksyon, 1897 — Ugat ng hidwaan nila Aguinaldo at Bonifacio | Howie Severino Presents
Fur mom who saves dogs from fire in Mandaue City commended
Kelvin Miranda sizzles on the cover of online lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Arra San Agustin, Juami Tiongson


Nagbigay na ng update si Arra San Agustin sa estado ng relasyon nila ng dating boyfriend na si Juami Tiongson.

Matapos mapansin ng ilang netizens na nagkasama sa event sina Kapuso star Arra San Agustin at dating boyfriend nito na si PBA player Juami Tiongson matapos maghiwalay, naging tanong sa marami kung nagkabalikan na ba sila.

Matatandaang taong 2022 nang makitang magka-date pa sina Arra at Juami sa naganap na GMA Thanksgiving Gala. Ngunit ayon sa aktres sa March 2023 interview niya kay King of Talk Boy Abunda, October 2022 pa sila hiwalay, at January 2023 nang opisyal nilang tinapos ang kanilang relasyon.

Hindi man niya sinagot ng direkta, nagbigay ang aktres ng update sa estado ng kanilang relationship sa December 26 episode ng Fast Talk with Boy Abunda.

“We're talking again. [Boy: And that's a good sign?] And that's a good sign, yeah. 'Cause to me naman, I'd still remember completely 'yung interview ko dito, siya 'yung standard ko e. Hindi talaga ako nakakita ng mas higit pa doon or even kapantay man lang nun, or even almost na ganun,” sabi ni Arra.

Paglilinaw ng aktres ay meron namang mga sumubok na ligawan siya ngunit aniya, hinahanap pa rin niya ang connection sa kanila katulad ng connection na meron siya kay Juami.

BALIKAN ANG GRAND BIRTHDAY CELEBRATION NI ARRA SA GALLERY NA ITO:

Pag-amin ni Arra, naging benchmark niya para sa future manliligaw at boyfriends ang dating nobyo dahil sa magandang personality na meron ito katulad ng pagiging loyal at pasensyoso, kahit pa nakita na nito ang totoong siya.

“'Di ba you have masks for everyone, pero like 'yung 'pag naghubad ako ng masks sa bahay, 'yun na 'yung nakikita niya. Like nakikita niya 'yung totoong ako na hindi nakikita ng lahat,” paliwanag ng aktres.

Ani Arra, bukod sa dating boyfriend ay ang pamilya lang niya ang nakakita at nakakakilala sa totoong siya.

Kinamusta rin ni Boy Abunda si Arra ang tungkol sa pag-uusap na iyon nila ni Juami, “Saan papunta 'yung pag-uusap na 'yun?”

Sagot ng aktres, “Well, hopefully, to something good, to getting back.”

Sunod na tanong ng batikang host, “One to ten, nasaan?”

“Nine,” sagot ni Arra.