GMA Logo Kokoy de Santos in Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

Kokoy de Santos, focused sa 'Mga Batang Riles' ngayong 2025

By Aaron Brennt Eusebio
Published January 6, 2025 6:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DOTr to build covered walkway connecting two QC malls along EDSA
BFP 7 hoists Red Alert status for the holidays
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Teaser)

Article Inside Page


Showbiz News

Kokoy de Santos in Fast Talk with Boy Abunda


Ngayong 2025, ilalaan ni Kokoy ang kanyang sarili sa pagte-training para sa 'Mga Batang Riles.'

Unang beses mapabilang ni Kokoy de Santos sa isang action series kaya naman tutok siya ngayong taon sa pagte-training bilang si Kulot ng GMA Prime drama-action series na Mga Batang Riles.

Tinanong ni Tito Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda si Kokoy at ang co-star niya sa Mga Batang Riles na si Miguel Tanfelix kung ano ang goal nila ngayong 2025 sa kani-kanilang mga karera.

Sagot ni Kokoy, "Ako, Tito Boy, sobrang focused ako dito sa Mga Batang Riles kasi first time ko magkaroon ng ganitong klaseng aksyon, e, lalo pa't sa TV."

"Paglalaanan ko talaga 'yung action na mag-training, siyempre, nandyan si Sir Ronnie Ricketts, magfo-focus ako. Seseryosohin ko nang bonggang-bongga 'tong action na 'to, bonggang-bongga."

Isang post na ibinahagi ni GMA Drama (@gmadrama)

Sa love life kaya, ano ang goal ni Kokoy ngayong taon?

"Same-same pa rin, Tito Boy. Hindi talaga priority ngayon ang pag-ibig. Palaging nangyayari sa akin, Tito Boy, darating 'yan, minsan hindi mo inaasahan kung kailan," paliwanag ni Kokoy.

"Pero totoo 'yun, kasi laging sinasabi ng tao, darating 'yan, baka nandyan lang 'yan. Timing lang, Tito Boy."

Sa Mga Batang Riles, gagampanan ni Kokoy si Kulot, ang tech-savvy sa magkakaibigan na Kidlat (Miguel), Matos (Bruce Roeland), Sig (Raheel Bhyria), at Dags (Antonio Vinzon).

Abangan ang world premiere ng Mga Batang Riles mamayang 8:00 p.m. sa GMA Prime.

SAMANTALA, NARITO ANG PASILIP SA PILOT EPISODE NG MGA BATANG RILES: