GMA Logo Miguel Tanfelix in Mga Batang Riles
What's on TV

Miguel Tanfelix, fulfilled sa taping ng 'Mga Batang Riles'

By Aaron Brennt Eusebio
Published January 6, 2025 7:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

Miguel Tanfelix in Mga Batang Riles


Pressured man, fulfilled pa rin si Miguel Tanfelix na bumida sa pinakabagong drama-action series ng GMA Prime na 'Mga Batang Riles.'

Aminado ang aktor na si Miguel Tanfelix na nape-pressure siya ngayong muli siyang bibida sa isang teleserye, ang drama-action series ng GMA Prime na Mga Batang Riles.

Kahit pressured, fulfilled din siya sa Mga Batang Riles dahil pinapakinggan ang kanyang mga suggestion.

"Grateful ako sa prod dahil pinapakinggan nila 'yung voice ko. So, meron akong mga inputs, kapag meron akong suggestions sa script, sa mga characters, pinapakinggan nila ako," kuwento ni Miguel sa Fast Talk with Boy Abunda.

"Feeling ko, 'yun 'yung masarap gawin sa show dahil feeling mo, may purpose ka, may value 'yung words mo. So, kahit may pressure para sa akin, fulfilled ako every taping day."

Sa Mga Batang Riles, sinabi ni Miguel na dugo't pawis ang binigay niya para sa programang ito.

Aniya, "Kasi sanay po ako sa mga heavy drama, Tito Boy, and ngayon ako magha-hard core action. May mga times na kami pa mismo ang gumagawa ng fight choreography sa set mismo dahil binibigyan kami ng freedom ni Direk [Richard Arellano]."

"Naa-appreciate ko 'yun, pero nakakapagod, ibang pagod talaga 'tong hard core action, pero nae-enjoy ko siya, e."

A post shared by Miguel Tanfelix (@migueltanfelix_)

Sa Mga Batang Riles, gagampanan ni Miguel si Kidlat, ang lider ng grupo nila nina Kulot (Kokoy de Santos), Matos (Bruce Roeland), Sig (Raheel Bhyria), at Dags (Antonio Vinzon).

Abangan ang world premiere ng Mga Batang Riles mamayang 8:00 p.m. sa GMA Prime.

SAMANTALA, NARITO ANG PASILIP SA PILOT EPISODE NG MGA BATANG RILES: