GMA Logo antonio vinzon
What's on TV

Roi Vinzon, nagulat sa pagpasok ng anak na si Antonio sa 'Mga Batang Riles'

By Kristine Kang
Published January 10, 2025 6:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Travelers head out for Christmas break
Holiday exodus in W. Visayas, Negros Occ starts
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

antonio vinzon


Alamin ang mga reaksyon ng mag-amang sina Roi at Antonio Vinzon sa pagsali ng huli sa GMA Prime series na 'Mga Batang Riles.'

Binalikan ng Mga Batang Riles star na si Antonio Vinzon ang kanyang hindi malilimutang reaksyon sa pagkakasama niya sa cast ng bagong action series sa GMA Prime.

Sa January 10 episode ng Fast Talk With Boy Abunda, masayang ikinuwento ng Sparkle teen star ang kanyang karanasan nang nalaman niyang pasok na siya sa proyekto.

Ayon kay Antonio, halo-halong emosyon raw ang naramdaman niya at tila hindi niya alam kung ano ba talaga ang nangyayari noon.

"Para sa akin, Tito Boy, mixed emotions po ako ngayon. Kasi, noong nalaman ko po noong naging parte po ako ng Mga Batang Riles, I feel lucky, honored, and privileged to be a part of [the action series]," pahayag niya.

Ang una raw niyang sinabihan ang kanyang ama at beteranong aktor na si Roi Vinzon. Natutuwa rin niyang binalikan ang reaksyon ng kanyang tatay dahil parang mas nagulat pa ito kaysa sa kanya.

"Sinabi ko iyon kay papa, 'Pa, bakit may interview sa taas? Ano'ng gagawin ko? May alam ka dito?' Noong nalaman niya na naging parte ako ng Mga Batang Riles, parang mas na-shock pa siya kaysa sa akin," kuwento ni Antonio.

Mapapanood ang Kapuso aktor kasama ang iba pang stars na sina Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos, Bruce Roeland, at Raheel Bhyria sa bigating action series na Mga Batang Riles, Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m. sa GMA Prime.

Kilalanin pa si Antonio Vinzon sa gallery na ito: