
Nagbigay na ng ilang updates si Kapuso Morning Sunshine Shaira Diaz sa wedding plans nila ng fiancé at kapwa aktor na si EA Guzman.
Matatandaan na August noong nakaraang taon nang simulan na nina Shaira at EA ang pagpalano sa kanilang kasal.
Sa panayam nila ni Ruru Madrid sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, January 15, sinigurado ni Shaira na mangyayari ang kasal ngayong 2025, ngunit wala pang ibang binigay na detalye kung anong petsa ito.
Ayon pa kay Shaira, ang gown na gagamitin niya ay manggagaling sa Korea. “Kasi sobrang love ko 'yung Korea, 'yung culture nila, mahilig ako sa K-drama, sa K-pop, sa BTS, kay Jung Kook, so parang gusto ko, Tito Boy, lagyan talaga ng 'yung something very personal sa'kin.”
Nang tanungin ni King of Talk Boy Abunda ang Unang Hirit host kung saang lugar gagawin at sino ang mga ninong at ninang, inilahad ng actress-TV host ang kamay papunta sa batikang host at sinabing “ninong!”
Ang reaksyon ni Boy, “Aba'y oo!”
Pinili nila ni EA na gawin ang kanilang kasal sa Silang, Cavite dahil “tahimik, away from the noise,” at sinabing dream church wedding niya ang gagawin nila.
“Very intimate lang po, close friends and family,” sabi ng aktres.
Pagdating naman sa mga entourage, ilan sa mga binanggit ni Shaira ay sina Arra San Agustin, Unang Hirit co-hosts niya na sina Kaloy Tingcungco at Anjo Pertierra, at aktres na si Julia Montes.
“Lahat, nandiyan sila, excited sila. 'Yung mga naka-witness ng love story namin from the very start, nandiyan po sila,” sabi ni Shaira.
Pagbabahagi rin ni Shaira na tahimik lang ang kanilang wedding preparations dahil hinahayaan lang siya ni EA magdesisyon para sa kanilang kasal. Tuwing may nakikita siyang ideya na gusto niyang isama sa kanilang kasal, ipapadala lang niya ito kay EA at papayag na ito.
“Kasi sabi niya nga, 'yung kasal is for the bride talaga e. Parang 'yun 'yung day ng bride, so binibigay niya sa akin 'yun. Walang away, walang pressure, walang stress,” saad pa ni Shaira.
TINGNAN ANG ENGAGEMENT PHOTOS NINA SHAIRA AT EA SA GALLERY NA ITO: