
Itinuturing ni Prinsesa ng City Jail actress Denise Laurel na blessing ang pagkakaroon niya ng anak, maging ang pagiging isang single mom.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, January 20, inamin ni Denise Laurel na naging malaking sorpresa sa kaniya na naging big deal para sa marami ang pakakaroon niya ng anak sa edad na 23, lalo na't ito umano ang peak ng kaniyang career ayon sa fans.
“I didn't think anybody would care, especially since I'm 23. It was touching but also pressuring because I want people to have somebody to look up to,” sabi ng aktres.
Ayon pa kay Denise ay mahal na mahal niya ang pagiging ina at sinabing naging mabait ang Diyos dahil nabigyan siya ng isang anak na cool, napakabait, at malambing. Kuwento pa ng aktres ay hindi niya pinapagalitan ang anak na si Alejandro, na tinatawag din niyang Bukie.
Kuwento ni Denise, “Interest that we love together is drawing, like comic books, I used to love comic books growing up and anime, siya din. He's a big gamer, and he also wants to become a graphic artist when he grows up, but that will change, I feel. Ang gami pa niyang gustong gawin e.”
RELATED CONTENT: BALIKAN ANG ILAN SA CUTEST PHOTOS NINA DENISE AT BUKIE SA GALLERY NA ITO:
Nang tanungin siya ni King of Talk si Denise tungkol sa pagiging isang single mom, sumagot ang aktres, “I just feel like I am totally me, and whatever happens in my life, I will always own up to it, I will always step forward, and I will always embrace it and be proud of it.”
Nilinaw naman ng aktres na hindi niya pino-promote ang pagiging isang single mom at sa halip, gusto lang niyang maramdaman ng ibang tao na ano man ang mangyari sa buhay na “you're always where you're meant to be so you just gotta rock it.
Dagdag pa ng aktres, “Nobody else is gonna live your life except you and you don't wanna get older and have regrets.”
Gusto lang niyang maging proud ang mga kababaihan na may kakayanan silang magdala ng bagong buhay sa mundo. Inamin niyang dati pa siya excited na maging isang ina at kahit mahirap umano ang maging isang single parent, naniniwala si Denise na nasa pagdadala lang kung mahihirapan sila.
“Kapag naisip mo na ang isang bagay ay mahirap, mas bibigat. Pero 'pag naisip mo, 'Excited ako, this is going to be fun, this is a blessing,' and that's what it's ging to be,” sabi ng aktres.
RELATED CONTENT: Proud and successful celebrity single moms