
Naging magaan ang pakiramdam ni Comedy Concert Queen AiAi delas Alas, at naging mas madali ang pag-move on niya sa hiwalayan nila ng dating asawang si Gerald Sibayan nang may magkumpirma sa kaniya ng ginawa nitong panloloko.
Nitong Martes, January 21, naglabas ng cryptic post si AiAi sa kaniyang Facebook page tungkol sa cheating.
Caption niya sa post, “No woman could love a cheater and not pay the price of it.”
Sa kaniyang post ay nagbigay ng maikling detalye ang Comedy Concert Queen tungkol sa isang "cheater" at kaniyang "mistress" nang hindi nagbibigay ng pangalan. Aniya, sweet ang dalawa sa dalawang pagkakataon, at sinabing malapit pa sila sa kanilang bahay sa US nagkikita.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, January 22, kinumpirma ni King of Talk Boy Abunda sa "Today's Talk" na patungkol na kay Gerlad Sibayan ang post ni AiAi.
“Na-confirm ni AiAi delas Alas mula sa kaniyang mga kaibigan sa Amerika ang kaniyang duda na may ibang babae ang kaniyang asawang si Gerald Sibayan. Eileen [tunay na pangalan ni AiAi], I was trying to call you earlier today,” sabi ni Tito Boy.
Dagdag pa ng batikang host ay may nakapagkumpirma kay Aiai na nakita nila si Gerald na may ka-holding hands sa dalawang magkaibang insidente.
BALIKAN ANG PAGKUMPIRMA NI AIAI NG HIWALAYAN NILA NI GERALD SA GALLERY NA ITO:
Ngunit paglilinaw pa ni Boy, “Pero ito po, masakit man pero magaan sa kaniyang loob na tinanggap ito at nagpapasalamat siya dahil sabi ni AiAi, nakatulong ito sa kaniya na mag-move on.”
Pagtatapos ni Boy ay gusto niyang makausap ang aktres at comedienne ukol dito.
Panoorin ang buong episode ng Fast Talk with Boy Abunda rito: