GMA Logo yen durano and jenn rosa
Source: FastTalkGMA/IG
What's on TV

Yen Durano, Jenn Rosa, may boundaries para sa intimate scenes

By Kristian Eric Javier
Published February 13, 2025 10:43 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Drug war victims reject Duterte camp bid for info related to case participants
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

yen durano and jenn rosa


Para protektahan ang mga sarili, sinigurado nina Yen Duarno at Jenn Rosa na meron silang boundaries kapag gumagawa ng sexy films.

Bilang mga sexy actress, hindi na bago para kina Yen Durano at Jenn Rosa ang magkaroon ng ilang intimate scenes sa mga pelikulang ginagawa nila sa Vivamax. Kaya naman para protektahan ang kani-kanilang sarili, naglatag ang dalawang aktres ng boundaries na kailangan sundin ng kanilang mga katrabaho.

Sa kanilang panayam sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, February 12, ay idiniin nina Yen at Jenn ang importansya ng boundaries kapag gumagawa sila ng sexy films.

Saad ni Jenn, “Ako, Tito Boy, 'pag during scene, ano talaga ako diyan, aware talaga ako, kailangan ramdam ko kung saan nila ako hinahawakan, saan nila ako hinahalikan, para alam ko kung kailan ako aalma.”

Malaki rin ang pasasalamat ng aktres na wala pa naman siyang naranasan na lumagpas sa boundaries ang kaniyang co-stars. Binigyan din niya ng importansya ang pag-uusap nila ng kaniyang co-stars at direktor bago pa man magsimula ang take.

“Sobrang importante po nu'n, Tito Boy, lalo na sa magiging partner ko, nag mag-usap kami para at least, alam namin 'yung boundaries namin,” sabi ni Jenn.

Pareho din ng sentimyento si Yen, na bago pa lang magsimula ang shooting ng pelikula ay kailangan may malinaw na communication na sa pagitan niya, ng co-actor, at direktor kung hanggang saan lang.

“I'm very firm about my boundaries so I have not experienced anything wrong during taping. Very professionals,” sabi ng aktres.

BALIKAN ANG MGA VIVAMAX STARS NA MINSAN NANG NAGING PARTE NG ACTION DRAMA SERIES NA 'BLACK RIDER' SA GALLERY NA ITO:

Dahil kilala bilang sexy stars, hindi rin malayong magkaroon sina Yen at Jenn ng hindi magagandang karanasan sa labas ng industriya. Sa katunayan, iyon mismo ang naranasan ng una nang mag-host siya noon sa isang club.

Kuwento ni Yen, “Before the pandemic happened, I was hosting at a club that I will not name. There was an instance where they grabbed my butt. Gusto ko sana manapak or gusto ko manakit, hindi ko mahanap kung sino.

“I don't wanna just punch somebody I don't know, that I'm not sure of so I just had to let it go, I had to be strong na lang."

Dagdag pa niya, kahit na nagreklamo na siya sa management ng naturang club ay wala rin naman umano silang ginawa ukol sa isyu.

Samantala, wala naman umanong naranasan na hindi maganda si Jenn dahil, ayon sa kaniya, maayos naman siya manamit tuwing lumalabas. At kapag may tumawag sa kaniya sa kalsada, “hindi ko na pinapansin.”