GMA Logo Camille Prats
source: camilleprats/IG
What's on TV

Camille Prats, itinuring na espesyal ang araw na tinawag siyang 'mom' ni Ice

By Kristian Eric Javier
Published February 21, 2025 10:48 AM PHT
Updated February 21, 2025 12:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2 persons hit by stray bullets in Iloilo, Bacolod
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

Camille Prats


Very special para kay Camille Prats ang araw na tinawag siyang "mom" ng anak ni VJ Yambao na si Ice. Alamin ang kuwento niya dito.

Naging very special para kay Mommy Dearest star Camille Prats ang araw na tawagin siyang “mom” ng anak ng asawang si VJ Yambao na si Ice.

Sa pagbisita ni Camille sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, February 20, binalikan ng aktres ang unang pagkakataon na tinawag siya ni Ice ng “mom” sa isang sulat nito para sa kaniya noong Mother's Day, 2024.

Pag-alala ng aktres, sumulat ng mahabang liham si Ice para sa kaniya na inabot ng two pages na back-to-back kaya naman kinabahan umano siya dito.

“But at the end of that message, ang sinabi niya, 'Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin kita tinatawag na mommy when all this time, you've always treated me as someone who is your own.' So sabi lang niya du'n, 'Happy Mother's day, Mom,'” kuwento ni Camille.

“'Yun, Tito Boy, it's really very special to me even up to this day kasi ang pagiging ina, siguro kung meron mang na-reveal sa akin, is that madaling magmahal ng sarili mong dugo. Pero 'yung mahalin ka ng batang hindi nanggaling sa 'yo, walang kapantay 'yung pagmamahal at 'yung saya na naibibigay,” pagpapatuloy ng aktres.

KILALANIN ANG STEPSON NI CAMILLE NA SI ICE YAMBAO SA GALLERY NA ITO:

Binalikan din ni Camille kung gaano kahirap ang maging blended family sila nina VJ noong umpisa.

“Hindi siya madali kasi may mga tao na sa labas ng relationship namin na kailangan maging parte ng buhay namin for this to work because Ice now has two sets of parents,” sabi ng aktres.

Dagdag ni Camille ay pinagdasal din niya na maging maayos ang relasyon nila ni VJ sa dating asawa nito at ng kaniyang partner.