
Sa pagbisita ni Heaven Peralejo sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, February 26, nabanggit ni King of Talk Boy Abunda na naging malaking palaisipan ang apelyido ng aktres na Peralejo. Ito rin kasi ang apelyido ng mga dating aktres at magkapatid na Rica at Paula.
Sa mga hindi nakakaalama, si Heaven ay pamangking buo nina Rica at Paula. Magkapatid ang tatay ni Rica at ang nanay ni Heaven. Sa kabila ng pagiging magkamag-anak sa iisang industriya, hindi naman daw naging pressure kay Heaven na maging isang Peralejo.
“Sa mga tao naman po, nakakatuwa lang na minsan,' O, nagka-work kayo ng tita mo.' It's a good conversation starter na lang, pero bakit mo siya titingnan as a pressure? Bakit hindi pwedeng you're making something of your own?” sabi ni Heaven.
TINGNAN ANG ILAN SA MGA CALENDAR GIRL PHOTOS NI HEAVEN SA GALLERY NA ITO:
Inalala rin ng batikang host ang mga panahon na nag-sexy si Rica, at inaming nakikita niya ang aktres, kay Heaven.
Ang tugon naman ng young actress dito, “Ang sinasabi niya everytime nagre-reunion kami, actually recently nagkita lang kami, sabi niya, 'Nako, 'wag kang magse-sexy, ha?'”
Kwento ni Heaven, sinasabi sa kaniya ni Rica na hindi na niya kailangan magpa-sexy pa dahil maganda naman na ang takbo ng career ng batang aktres.
Pag-amin pa ni Heaven, “Wala naman po, wala naman akong plano.”