
Tanggap daw nina Rocco Nacino at Dion Ignacio ang pagkakakilanlan sa kanila noon bilang mga babaero. Ngunit, ayon sa mga aktor, devoted husbands na sila sa kani-kanilang mga asawa ngayon.
Sa pagbisita nila sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwbes, February 27, binalikan ni King of Talk Boy Abunda ang pagkakakilanlan kina Rocco at Dion noon. Sa tingin ni Dion, karamihan naman ay dinanas ito ngunit ang importante ngayon ay magbago.
“May family ka na. Sa ngayon, itong pamilyado na'ko, ang babae na tutukso parang naisip ko ano siya e, sisirain niya ýung family ko ngayon,” sabi ng Mommy Dearest actor
Dagdag pa niya, simula nang magpabinyag sila bilang mga Kristyano ay wala nang mga tukso. Sinang-ayunan din niya ang sinabi ni Rocco na mas madali nang humindi sa mga tukso lalo na noong kinasal siya.
“Parang ito na 'yung armor mo sa kanila para hindi ka na pasukin ng tukso,” sabi ni Dion.
BALIKAN KUNG PAPAANO NAGPAKITA NG PAGMAMAHAL AT APPRECIATION NG ILANG CELEBRITIES SA KANILANG MGA HUSBAND SA GALLERY NA ITO:
Katulad ni Dion, sumang-ayon din si Rocco na karamihan ng mga lalaki ay dumadaan sa pagiging babaero. Ngunit nilinaw niyang iba-iba lang ng journey at storya pagdating dito.
“For me it's a phase, nangyayari po 'yan. At sa 'kin ang rason kung bakit naging ganu'n po ako dati ay dahil niloko po ako. Naging defense mechanism ko na ako ang maglalaro sa babae dahil nasaktan po ako nu'ng pinakauna kong minahal,” sabi ng Lolong actor.
Kalaunan ay pinili umano ni Rocco na huwag na munang magmahal. Dahil dito, nalaman niyang dapat ay may respeto ka sa sarili para magkaroon siyang muli ng respeto para sa mga babae.
Nang tanungin naman siya ng batikang host kung ano ang ginagawa ni Rocco kapag dumating ang tukso, pabirong sagot niya, “Tumatawag po ako kay Dion.”
“Hindi po. Madali na po mag-no dahil alam ko pong hindi ko kailangan ng mga ganiyan. Iba na po ang priorities ko ngayon; anak, career, trabaho, at how to leave a legacy,” sagot ni Rocco.