GMA Logo Priscilla Meirelles, John Estrada
Source: johnestrada__/IG
What's on TV

Priscilla Meirelles, ano nga ba ang estado ng relasyon kay John Estrada?

By Kristian Eric Javier
Published March 1, 2025 1:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

GenSan targets zero firecracker-related injuries; code white alert up
Star of Bethlehem, West Philippine Sea feature in Toym Imao installation
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Priscilla Meirelles, John Estrada


Alamin ang estado ng relasyon nina Priscilla Meirelles at John Estrada ngayon dito.

Masasabi umano ngayon ni Priscilla Meirelles na siya ay at peace sa sitwasyon nila ng asawa at aktor na si John Estrada nang bumisita siya sa Afternoon Prime talk show na Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, February 28.

Sa naturang talk show ay tinanong ni King of Talk Boy Abunda si Priscilla kung kamusta ang estado nila ngayon ng asawang si John.

Ang sagot ng Brazillian model at aktres, “Legally, we're still married.”

Hindi na nagbigay pa ng karagdagang detalye si Priscilla kahit pa nang tanungin siya ng batikang host kung magkasama sila ngayon.

Samanatala, inamin ni Priscilla na noong magbigay ng pahayag si John na meron sila umanong mutual agreement na maghiwalay muna ay hindi siya aware dito.

“I don't know, maybe kung nag-decide siya a to take a break, he forgot to inform me,” sabi ng aktres.

TINGNAN ANG RELATIONSHIP TIMELINE NINA PRISCILLA AT JOHN SA GALLERY NA ITO:

Sa ngayon ay at peace na umano si Priscilla at masaya siyang nagkaroon na siya ng oras para sa sarili niya healthwise, physically at mentally. Masaya rin daw siya na may maganda silang relasyon ng kaniyang anak na babae na si Anechka.

“Whatever happens in terms of my status right now, all I can say is that technically, I'm still married and it's public, the things, the stance that John have taken from that point on,” sabi ni Priscilla.

Nang tanungin naman siya ni Boy kung nasa punto ba siya ngayon na ipinaglalaban niya ang kanilang marriage, sinabi ng aktres, “I'm at a point in my life that pinaglalaban ko 'yung sarili ko.”

“Ang importante sa 'kin, masaya ako. Importante sa'kin, I have peace of mind, importante sa 'kin, that I went back to loving myself which was lost for many years,” sabi niya.

Nilinaw din ni Priscilla na wala naman siyang ibang sinisisi tungkol dito at sinabing dumating lang siya sa punto na hindi na niya mahal at inalagaan ang sarili.

“Today, I can say that 'Oh my gosh, I have so much love' because I love myself first. Of course, God, me, and then I have so much love to share,” ani Priscilla.