GMA Logo bianca gonzalez
Source: iamsuperbianca/IG
What's on TV

Bianca Gonzalez, minsan nang nag-audition sa GMA

By Kristian Eric Javier
Published March 5, 2025 4:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Most parts of PH to see cloudy skies, rain due to 3 weather systems
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

bianca gonzalez


Ayon kay Bianca Gonzalez, nag-audition siya noon para maging host sa isang programa ng GMA, Alamin dito:

Mapapanood na sa GMA ang TV host at model na si Bianca Gonzalez sa nalalapit na Pinoy Big Brother Celebrity Collab. Ngunit lingid sa kaalaman ng marami, minsan na rin siyang nag-audition para maging isang Kapuso host noon.

Sa pagbisita ni Bianca sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, March 4, ibinahagi ni Bianca na iyon na ang pang-apat na beses niyang nakatapak sa GMA Network. Kabilang rito ay ang pag-audition niya noon para maging host.

“First time, mga dalawang dekada na ang nakalipas, nag-audition ako ng show dito, Tito Boy. Mga lumang tao lang ang makakaalala nito, 3R,” pagbabahagi ni Bianca.

Pagpapatuloy niya, “Para siyang mga docu-docu show na parang tatlong babae 'yung [nagpa-audition] sila ng host. 'Tapos, hindi ako nakuha, obviously.”

Ang naturang show ay ipinalabas noong sa sister station ng GMA, ang QTV. Ang mga naging host ng lifestyle show na ito ay sina Reema Chanco, Bettina Carlos, at Bianca King.

Samantala, ang pangalawang pagpunta ni Bianca sa GMA Network ay noong nakaraang taon para makapanayam si Kapuso Drama King Dennis Trillo para sa Metro Manila Film Fest entry nito na Green Bones.

Pumunta rin kamakailan si Bianca, kasama ang ilan pang host ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab para maglaro sa Family Feud. Mapapanood na silang maglaro sa naturang game show sa Biyernes.

Ang ika-apat niyang pagtapak sa network ay nang bumisita siya sa Fast Talk with Boy Abunda.

Unang inanunsyo ang panibagong collaboration sa pagitan ng dalawang networks noong January 27. Noong February 9 naman inanunsyo si Gabbi Garcia bilang isa sa Kapuso hosts. Hindi nagtagal ay inanunsyo na rin si Mavy Legaspi na makakasama niya bilang host.

Kuwento ni Bianca, pagkatapos ang media con kamakailan,kung saan pinakilala sina Gabbi at Mavy bilang bagong parte ng Pamilya ni Kuya, inaya niya ang kapwa hosts sa mismong Bahay ni Kuya.

“Nag-pizza lang kami, uminom, nagkuwentuhan, chikahan, para makapag-bonding din si Gabbi at si Mavy du'n sa aming creative team, du'n sa mga staff. Masaya, masaya,” sabi ng host.

Panoorin ang panayam kay Bianca dito: