GMA Logo Pia Arcangel at Ivan Mayrina fake news
What's on TV

Pia Arcangel, Ivan Mayrina, determined to fight fake news

By Kristian Eric Javier
Published March 16, 2025 4:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Timely Stephen Curry scoring helps Warriors defeat Mavericks
Christmas not the same for all, calamity survivors show

Article Inside Page


Showbiz News

Pia Arcangel at Ivan Mayrina fake news


Papaano nilalabanan ng mga mamamahayag tulad nina Pia Arcangel at Ivan Mayrina ang fake news?

Sa paglabas ng iba't ibang social media platforms sa panahon ngayon ay siyang paglaganap din ng fake news. Kaya naman, bilang mga mamamahayag, ibinahagi nina Pia Arcangel at Ivan Mayrina kung papaano nila ito nilalabanan.

Sa pag bisita nila sa Fast Talk with Boy Abunda, ibinahagi nina Pia at Ivan na isang paraan sa paglaban nila sa fake news ay sa pamamagitan ng paggamit ng parehong plataporma kung saan ito laganap.

“Kumbaga fight fire with fire so pati kami we are encouraged to use our social media digital platforms to put the news out there. Kasi ang theory diyan, kung may lumabas na fake news, e, 'di, ilabas mo 'yung totoo,” sabi ni Pia.

Dagdag pa ng batikang news anchor ay habang mas inilalabas nila ang katotohanan sa kanilang mga ibinabalita, mas lalong nawawala ang fake news. Ngunit pag-amin din ni Pia, iyon ang magiging pagsubok sa kanilang mga mamamahayag.

Sinang-ayunan din ni Ivan ang sinabi ni Pia at sinabing pumupunta sila kung nasaan man ang kanilang audience, sa TikTok, Facebook, o Youtube man ito, bukod sa main platform nila sa telebisyon.

“We are also required, for example 'yung mga spiels namin for news, meron din dapat version niyan for online. That's the general direction,” sabi ni Ivan.

TINGNAN KUNG ANO BA TALAGA ANG BUHAY NG ISANG BROADCASTER AYON KINA PIA AT IVAN SA GALLERY NA ITO:


Aminado naman si Pia na “very difficult question” ang ibinatong tanong sa kanila ni Boy na kung bakit sila proud sa kanilang ginagawa bilang mga mamamahayag. Ngunit sabi ng batikang news anchor, nanggagaling ang kanilang pride sa kaalaman na meron silang importanteng papel na ginagampanan para sa sambayanan.

“I always think of this as a public service, what we do is a public service. So we have an important role to play in society. Parang meron talaga kaming papel na kailangan gampanan,” sabi ni Pia.

Aniya, kung wala ang mga mamamahayag, maaaring hindi na malalaman ng mga tao kung anu-ano ang mga dapat nilang malaman.

Para naman kay Ivan, proud siya na naimpluwensyahan nila ang national agenda dahil sa kanilang mga ibinabalita.

Dagdag pa niya, “Being able to ask the question directly to people that matter. Like in my case, I get to ask questions directly to the president at 'yun ay nakakaapekto sa pinag-uusapan ng sambayanan sa buong maghapon and that of course reflects in their decisions sa buhay nila.”

Sabi pa ni Ivan ay masarap sa pakiramdam na mayroon silang ganoong katungkulan sa lipunan.