GMA Logo Richard Reynoso, Regine Velasquez, Lea Salonga
Source: richreynoso (IG), reginevalcasid (IG), msleasalonga (IG)
What's on TV

Richard Reynoso, may rebelasyon tungkol kina Regine Velasquez at Lea Salonga

By Kristian Eric Javier
Published March 27, 2025 6:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

House elects 11 lawmakers to bicam panel on 2026 national budget
PNP defends protocol in arrest during carnapping

Article Inside Page


Showbiz News

Richard Reynoso, Regine Velasquez, Lea Salonga


Alamin ang rebelasyon ni Richard Reynoso tungkol kina Regine Velasquez at Lea Salonga dito.

May ibinahaging rebelasyon si '90s hitmaker Richard Reynoso tungkol kina Regine Velasquez at Lea Salonga sa pagbisita nila ni Rannie Raymundo sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, March 26.

Sa naturang Afternoon Prime talk show, binalikan ni King of Talk Boy Abunda ang bali-balita noon na ayaw umano katrabaho ni Richard si Regine sa isang duet. Ngunit paglilinaw ng batikang singer, ito ay dahil lang masyadong magaling ang singer-actress.

“Regine, well, she's super good. Ang range niya ay super malawak masyado, so ang hirap sabayan,” sabi ni Richard.

Samantala, sa 'Fast Talk' segment ng show, tinanong siya ni Boy kung sino ang artista na muntik na niyang maging girlfriend. Ang sagot ni Richard, “Lea.”

Pagkatapos ng segment, tinanong ni Boy si Richard kung bakit hindi natuloy na maging girlfriend niya ang Broadway actress at singer na si Lea Salonga.

Paliwanag ni Richard, “We were very very good friends. The problem was, when I was interested already to make that next step, may nag-interview sa akin who misquoted me na nasira 'yung relationship.”

BALIKAN ANG ILAN SA MGA CELEBRITY BREAK UPS NA IKINAGULAT NG MARAMI SA GALLERY NA ITO:

Sa pagbisita ni Richard sa Sarap 'Di Ba? Noong August 7, 2023, pinaliwanag niyang may tumawag sa kanya noon para interviewhin siya, at tinanong kung nanliligaw ba siya kay Lea.

Ang sagot umano niya, “Sabi ko, hindi pa. Tinatapos ko lang 'yung pag-aaral ko. Hindi pa.”

Ngunit hindi naman umano inaasahan ni Richard ang ibang balita na lumabas noon sa mga dyaryo. Pag-aalala niya, “Ang lumabas sa dyaryo, si Richard Reynoso hindi type si Lea Salonga. Mula noon nagkaano na, I wasn't given a chance. Wala akong pagkakataon para i-defend 'yun dahil wala tayong social media noon e.”

Nawalan na rin umano ng pagkakataong magpaliwanag si Richard dahil paalis na noon si Lea para sa Miss Saigon.

Paglilinaw niya ay nagkausap na rin naman na sila Lea at nakakuha na ng closure.

Panoorin ang panayam kay Richard dito: