
Sa pagbisita ni actress, model at host na si Phoemela Baranda sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, April 11, ibinahagi niya ang kanyang experience noong makatrabaho sina King of Talk Boy Abunda at Queen of All Media Kris Aquino.
Pagbabahagi ng aktres, nasa 20s pa lang siya noon nang una niyang makatrabaho sa isang talk show ang dalawang sikat na TV personalities.
“Talagang ibang-iba rin. Siyempre si Kris pa, I love Kris, lahat pupunahin niyan. Pupunahin niya ako mula ulo hanggang paa. Si Tito Boy naman, bibigyan ako ng advice na mostly hindi ako nakikinig kasi matigas 'yung ulo ko noon,” pag-alala ni Phoemela.
Sabi pa ng dating Extra Challenge host na kung makakabalik daw siya ay mas makikinig na siya sa mga payo sa kaniya ni Boy. Ngunit aniya, kukunin din niya iyon bilang isang leksyon sa kaniyang buhay.
“'Yung mga pinagdaanan ko in my 20s, it was a journey. But working with you guys really taught me how to be strong, how to be in your toes. Being in this showbiz (industry), iba rin talaga,” sabi ni Phoemela.
SAMANTALA, BALIKAN KUNG PAANO NGA BA NAHASA SA HOSTING ANG KAPUSO HOSTS NA SINA ANJO PERTIERRA AT MARTIN JAVIER SA GALLERY NA ITO:
Samantala, deretsahan naman siyang tinanong ni Tito Boy, “May pagkakataon ba na working with me and Kris, you wanted to go home, walk away?”
Sagot ni Phoemela, “Yes, oo, si Ate Kris pa. Oo naman, but of course, more on siguro pressure, nakakakaba, and then 'yung mga interview… Hindi lang naman sa inyo, pati 'yung ini-interview ko.”