
Kamakailan lang ay inanunsyo ni Ara Davao ang pagpanaw ng kaniyang ama, ang aktor at direktor na si Ricky Davao ang at buong entertainment industry at nagluluksa dahil dito.
Sa kabila ng pagdadalamhati ng marami sa pagpanaw ng aktor, matatandaan na minsan nang bumisita si Ricky sa Fast Talk with Boy Abunda at dito ay marami silang napagkwentuhan ng King of Talk na si Boy Abunda.
Sa naturang panayam, inamin ni Ricky na lagi siyang kinakabahan mga interview at ayon sa aktor, ito ay dahil hindi siya sanay na pag-upasan ang sarili.
“I'd rather memorize a 500-page script and deliver it than talking extemporaneously about myself and basta personal,” sabi ng aktor.
Taong 2023 nang bumida ang beteranong aktor sa Primetime drama series na Love Before Sunrise kung saan nakatrabaho niya sina Dennis Trillo at Bea Alonzo. Sa naturang Afternoon Prime talkshow, tinanong din ng batikang host kung ano para kay Ricky ang ibig sabihin g love before sunrise.
Sagot ng aktor, “Ako, para sa akin, my own interpretation is that when you sleep and when you're in love and you're positive, 'yun 'yung ano ko, love before sunrise. When I wake up in the morning, lalo na ngayon, after the pandemic, I think positive, I pray, I want to give love, I want to share whatever I have physically, emotionally.”
TINGNAN ANG PAGLULUKSA NG ILANG CELEBRITIES SA PAGKAMATAY NI RICKY DAVAO SA GALLERY NA ITO:
Pinag-usapan din nina Ricky at Boy kung ano ang maituturing niyang magaling na aktor.
“Actors, ang binibigay nila sa table is it's very personal, e. It's private and personal. You don't angry in front of so many people, you don't cry. When you feel like crying, you go inside and cry,” sabi ni Ricky.
“That's a very private thing at kung hindi totoo 'yan, hindi maniniwala ang audience,” pagpapatuloy ng batikang direktor.
Bukod sa pagiging magaling na aktor at direktor, isa ring ama si Ricky at sa hiwalayan nila ni Jackie Lou Blanco, naging mas-challenging ang pagiging ama niya sa kaniyang mga anak. Ngunit paglilinaw ng aktor, supportive siya sa kaniyang mga anak, lalo na sa pag-come out ni Rikki Mae Davao bilang parte ng LGBTQIA+ community.
Aniya, sinulatan siya ni Rikki ng mahabang sulat matapos nilang magtalo, at doon umamin ang anak tungkol sa kaniyang pagkakakilanlan.
“Of course, natanggap ko naman kaagad 'cause I love her and I respect her. So whatever makes her happy,” sabi ni Ricky.
Ngunit pag-amin ng batikang aktor at direktor, siya ay “strict na hindi” bilang isang ama sa kaniyang mga anak dahil mahirap makipag-deal sa mga millenial.
“Ibang-iba, sometimes, mag-sneeze ka lang, akala nila sinisigawan mo na. Tapos like me, I have a little of tinnitus so medyo my voice is a bit loud and when I explain something, akala nila nagagalit ako,” paliwanag ni Ricky.