GMA Logo Ahtisa Manalo
What's on TV

Ahtisa Manalo, may hamon sa mga manliligaw sa kaniya

By Aedrianne Acar
Published May 8, 2025 1:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Scammers face up to 24 strokes of the cane in Singapore
Firecrackers seized in Mandaue City based on ban

Article Inside Page


Showbiz News

Ahtisa Manalo


Miss Universe Philippines 2025 Ahtisa Manalo, anu-ano ang hinahanap na qualities sa kanyang "future king?"

Proud si Miss Universe Philippines 2025 winner Ahtisa Manalo na umamin na siya ay single and independent now.

Nakapanayam ni King of Talk Boy Abunda ang Pinay beauty queen sa kaniyang sikat na afternoon talk show at dito, bukas na pinagusapan ni Ahtisa ang hinahanap niya sa kaniyang 'future king.'

Tanong sa kaniya ni Tito Boy, “Ikaw ba 'yung tipong girl, na naghahanap or nag-aantay lang?"

“Ay hindi. Nag-aantay ako. I don't look for him.” tugon ni Ahtisa.

Sabay sabi ni Boy, “But what is a crown if you don't have a king 'di ba?”

Hirit naman ng beauty queen: “But what is a king without a queen with a crown?”

Agad na napabilib ang award-winning Kapuso host sa sagot na ito ni Ahtisa na tubong Quezon Province.

May mensahe rin na iniwan si Ahtisa sa lalaking manliligaw sa kaniya in the future, “You better show me what's up, so, I know if I'm gonna pick you or not [laughs].

“It's an offer Tito Boy, they gotta show me what they can offer, 'cause I'm living a good life myself. My family loves me, my friends love me. I can provide for myself, and I can give myself a good life. So, this person that's gonna come into my life has to give me something more.”

Bago inuwi ni Ahtisa ang korona bilang Miss Universe Philippines 2025, itinanghal siya noong first runner-up sa Miss International 2018.

RELATED CONTENT: Philippine performance in 2024 international pageants