GMA Logo Jackie Lou Blanco in Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

Jackie Lou Blanco, grateful to Boy Abunda for checking up on her

By Kristian Eric Javier
Published May 14, 2025 1:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Steel Ball Run: JoJo's Bizarre Adventure' to release first episode in March 2026
My Chemical Romance moves Asia show dates to November 2026fa
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Jackie Lou Blanco in Fast Talk with Boy Abunda


Malaki ang pasasalamat ni Jackie Lou Blanco kay Tito Boy Abunda at sa mga taong nakiramay sa kanilang pamilya.

Malaki ang pasasalamat ni Jackie Lou Blanco kay King of Talk Boy Abunda sa pagtawag nito at pangungumusta sa kaniya. Aniya, “very nice and comforting” ang makatanggap ng tawag mula sa mga tao para lang kamustahin ka.

Sa pagbisita niya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, May 14, binalikan ni Jackie ang pagtawag sa kaniya ni Boy sa telepono una, noong pumanaw ang kaniyang ina na si Pilita Corrales, at pangalawa, noong pumanaw ang dating asawa na si Ricky Davao.

“You [Tito Boy] said 'I just want to call you and just tell you that I'm here. I'm sorry that Ricky passed.' It's very nice and comforting when people call you and just tell you 'How you are?' or 'I'm here,'” sabi ni Jackie.

Pag-amin ng aktres ay kahit hindi nito natatanggal ang sakit, pero nakakapagbigay naman ng comfort na malamang may mga taong nag-aalala para sa kaniya.

Pag-amin din ng batikang host ay mahirap humanap ng tamang salita na sasabihin sa isang tao, “Ito 'yung mga pagkakataon po na less words are more comforting kasi 'yung naranasan ko nu'ng pumanaw 'yung ang nanay, paulit-ulit kang tatanungin kung papaano nangyari. Sabi mo nga, quota ka na.”

Sang-ayon naman si Jackie sa sinabi ni Tito Boy, lalo na at 'yung mga taong pumunta sa burol ni Ricky na nagpunta rin kay Pilita ay hindi na umano alam ang sasabihin sa kaniya. Ngunit paglilinaw ng aktres, hindi rin naman niya inaasahan na may sasabihin pa sila.

Ani Boy, “It's okay to be quiet.”

“Yes! You just hold my hand and I know, inside, parang they're telling me parang 'Oh my gosh, here we go again. I don't know how it is for you.' But hinahawakan lang 'yung kamay ko [that's okay],” ani Jackie.

BALIKAN ANG MENSAHE NI JACKIE LOU BLANCO SA PAGPANAW NI RICKY DAVAO SA GALLERY NA ITO:

Sa ngayon ay unti-unti na umano nilang tinatanggap ang pagkawala nina Pilita at Ricky. Pag-amin ni Jackie, may mga pagkakataon na okay sila ng kaniyang pamilya, at may mga pagkakataon ding hindi, “and it's okay.”

Panoorin ang panayam kay Jackie dito: