GMA Logo Josh Ford, Kira Balinger
Source: joshford321 (IG), kira_balinger (IG)
What's on TV

Josh Ford at Kira Balinger, posibleng magkatuluyan?

By Kristian Eric Javier
Published May 20, 2025 10:07 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Zelenskyy says Russia using Belarus territory to circumvent Ukrainian defenses
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Josh Ford, Kira Balinger


Josh Ford on possible relationship with Kira Balinger: 'Mas kinikilala pa namin ang isa't isa'

Isa sa mga pinakakilalang love teams sa loob ng Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition ay ang tambalan nina Kapuso star Josh Ford at Kapamilya actress Kira Balinger na mas kilala bilang KiSh. Ngunit hanggang love team lang ba talaga sila?

Sa pagbisita ni Josh sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, May 19, ibinahagi ni Josh ang kaniyang opinyon tungkol sa posibleng relasyon kay Kira.

Aniya, “Kira's a lovely girl, I can speak only about her, no? She's a sweet person. And sobrang bait niya po, hindi lang outside, kundi pati inside. She's a really nice girl. Siyempre ngayon, mas kinikilala po namin ang isa't isa. So yeah, looking forward to whatever happens and yeah, abangan.”

Dagdag pa ng young Kapuso actor ay kahit na nasa loob pa lang sila ng Bahay ni Kuya ay nagsimula na silang kilalanin pa ang isa't isa.

Puna ni King of Talk Boy Abunda, “Kakaiba 'yung interes with someone you would like to be related to romantically.”

Sagot ni Josh dito, “Yeah, yeah, I do get what you're saying po, Tito Boy, but yeah, I'm excited to get to know her more, that's all I can say.”

Sa huli ay ipinangako ni Josh na kapag may development na sa relationship status niya ay babalik siya sa naturang Afternoon Prime talk show at ibabahagi ang kuwento niya tungkol dito.

Ang tambalang KiSh ay isa sa mga love teams na sinusuportahan maging ng mismong housemates, kabilang na ang kalahati nito na si Kira. Nang lumabas sila sa Bahay ni Kuya ng ka-duo na si Charlie Fleming, inamin ng dalawang aktres na KiSh ang love team na sinusuportahan nila.

“KiSh. I'm so sorry. KiSh po talaga. Loyal ako sa KiSh,” sabi ni Kira.

Pag-amin ng aktres, nalaman lang niya ang tungkol sa naturang love team nang makita niya ang tungkol dito sa social media platforms, partikular sa TikTok. Aniya, naloka siya sa dami ng shippers nila ng naturang Kapuso actor.

“We've been on social media, we've been catching up. Ang daming ship! 'Tapos, nakikita ko on Tiktok na ang daming edits. 'Tapos, ang daming little moments na sobrang wala lang sa amin,” sabi ni Kira.

Gaya ni Kira, suportado rin ng kaniyang ka-duo na si Charlie ang tambalang KiSh. Aniya, ito ay dahil nakita niya ang koneksyon sa pagitan ng dalawa.

“I both know them personally, and I think they both found a safe space through each other, and that's something that I think is really important because they both communicate a lot inside the house, and I both know that they're very sweet,” sabi ng Kapuso star.

BALIKAN ANG PAG-REUNITE NINA JOSH AT KIRA SA OUTSIDE WORLD KASAMA SI CHARLIE SA GALLERY NA ITO: