
Proud na ipinahayag ni Miss Eco International Alexie Brooks ang pagkakaroon niya ng androgynous identity, at ibahagi kung ano talaga ang ibig sabihin nito.
Ang "androgyny" at isang gender expression kung saan nagsasama ang tradisyonal na masculine at feminine traits. Ito ay paraan ng ibang tao na i-express ang kanilang sarili na hindi saklaw ng kombensyonal na gender identities.
Madalas, na-e-express ng mga taong androgynous ang kanilang sarili sa pamamagitan ng kanilang pananamit, ugali, o iba pang paraan ng personal expression.
Sa pagbisita niya, kasama si Reina Hispanoamericana 2025 Dia Mate, sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, May 20, ikinuwento ni Alexie kung papaano niya tinanggap ang fluidity ng pagiging androgynous sa fashion at sa relationships.
“I express myself as an androgynous woman or person. So, basically, if I feel like, I wake up in the morning and I feel like dressing up as masculine, I go for it. I have days that I feel like very feminine and I literally go for it,” sabi ng beauty queen.
RELATED CONTENT: BALIKAN ANG WINNING MOMENT NI ALEXIE SA MISS ECO INTERNATIONAL SA GALLERY NA ITO:
Ayon pa kay Alexie, para sa mga taong tunay na nakakakilala sa kaniya, alam nilang ganu'n lang siya talaga.
“It's so much better. I'm happier, I'm comfortable, and I feel confident. I don't think there's nothing wrong with it,” pagpapatuloy pa ng beauty queen.
Nang tanungin naman siya ni King of Talk Boy Abunda kung ang ibig sabihin ba ng pagiging androgynous ay pwede siyang makipagrelasyon sa babae at lalaki, ang sagot ni Alexie, "Yes."
“I think it's up to you kung saan ka mas comfortable, but, yes,” sabi ng beauty queen.