GMA Logo TJ Monterde almost gave up music
Source: Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

TJ Monterde, muntik nang sumuko noon sa paglikha ng musika

By Kristian Eric Javier
Published May 23, 2025 2:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Firework-related injuries at 57; majority of victims aged 19 and below —DOH
Macacua seeks special session to pass Bangsamoro districting law
Marian Rivera's family is in designer outfits for their Christmas photoshoot

Article Inside Page


Showbiz News

TJ Monterde almost gave up music


Minsan na ring naisip ni TJ Monterde na sukuan ang pangarap na makapasok sa music industry.

Isa sa mga pinakahinahangaan ngayon sa larangan ng musika si TJ Monterde. Ngunit pag-amin ng singer-songwriter sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, May 22, minsan na niyang muntik sukuan ang pangarap.

Kuwento niya, hindi naging madali ang pagpasok niya sa music industry at sinabing nagpalipat-lipat siya ng mga recording company na handang magtiwala sa kaniya. Dagdag pa ni TJ, isang paraan niya noon para kumita kapag walang gig ay mag-voice over para sa commercials, at mag-host ng events.

Ngunit umabot din umano sa punto na minsan na niyang nasabi sa sarili na “Ayoko na.”

Kuwento ni TJ, “There's this specific night na hindi ko makalimutan din talaga na lagi ko naman kinukuwento. There was this time na wala na talaga kaming pera. As in, wala na. Sabi ko sa kaibigan ko, si Macoy, 'Bro, meron ka ba diyan pang-dinner lang natin?'”

Saad ng singer-songwriter, may ipapadala naman ang daddy niya na pera ngunit kinabukasan pa, at tig-500 lang sila ng kaniyang kaibigan. Ang pera ng kaniyang kaibigan, sakto lang pambili ng buy one, take one burger.

“Habang naglalakad kami papunta du'n sa (Maysilo) circle, 'yung nakatingin ako sa daan, hoping that I'd find like 10 pesos or 20 pesos para manlang may pang-softdrinks kami. 'Yun na 'yung point na sabi ko, 'Tama pa ba 'tong ginagawa ko sa buhay ko? Uuwi na lang kaya ako sa amin talaga?'” pag-alala ni TJ.

BALIKAN ANG PAGTATAPOS NG 'SARILI NATING MUNDO' TOUR NI TJ SA GALLERY NA ITO:


Ngunit tila may plano pa para sa kaniya at kaniyang career ang tadhana. Taong 2016 nang ilabas niya ang kantang "Dating Tayo" na ayon kay TJ, hindi niya inaasahan na maghi-hit, ngunit ngayon, ito na umano ang isa sa mga biggest songs na naisulat niya.

Kaya naman, payo niya sa mga bagong songwriters, “Just wrtie what your heart wants you to write kasi you will never know, the next song might be your million dollar song, ito na 'yung kanta mo.”