GMA Logo 98 Degrees
What's on TV

Boy band na 98 degrees, grateful sa pagmamahal ng mga Pinoy

By Kristian Eric Javier
Published May 28, 2025 10:07 AM PHT

Around GMA

Around GMA

1 pulis, patay; 2 iba pa, sugatan sa engkuwentro laban sa armadong grupo sa Candelaria, Quezon
Ashley Rivera sizzles as the 2026 calendar girl of a local whisky brand
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

98 Degrees


Ang suporta umano ng mga Pilipino ang nagtulak sa boy band na 98 Degrees sa kasikatan.

Hindi maipagkakaila na isa sa biggest fans ng '90s boy band na 98 Degrees ay ang mga pinoy. Ang grupo ay binubuo nina Jeff Timmons, Nick Lachey, Drew Lachey, at Justin Jeffre. At ayon sa naturang boy band, isang dahilan dito ay ang hilig ng mga Pilipino sa love songs at sa music.

Sa pagbisita nila sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, May 27, hiningi ni King of Talk Boy Abunda ang opinyon ng boy band kung bakit sa tingin nila mahal na mahal sila ng mga Pilipino. Para kay Nick, ito ay marahil sa pagmamahal ng mga Pinoy sa love songs.

“I think, more than anywhere else in the world, people here really truly love love songs, and that's kind of what we've always been known for, it's our bread and butter so I think it's a match made in heaven,” sabi ni Nick.

Pagpapatuloy pa ng international singer, malaking factor din ang pagkahilig ng mga Pilipino sa music na inilarawan niyang “ingrained” na sa kultura.

“Music is such a culture of the Filipinos, such an ingrained part of the culture that for us, you know, we got off the planes here in 1997 and we instantly felt like rock stars and embraced so it really is a great relationship,” sabi ni Nick.

BALIKAN ANG CONCERTS NA NAGANAP SA PILIPINAS NGAYONG 2025 SA GALLERY NA ITO:

Samantala, ibinahagi naman ni Jeff kung papaano naging malaking tulong ang mga Pilipino at ang bansa sa pagtaas ng kanilang popularidad. Aniya, itinuturing nila ang Pilipinas bilang ang unang bansa kung saan sila sumikat.

Pagkukwento niya, “We have a very popular song in the US, but our label was not really marketing us at the time, our label was in flux. We actually broke here first, and took the momentum from what we did here, with the fans here, back to the states.”

Ito rin umano ang dahilan kung bakit sila nabigyan ng ikalawang pagkakataon at makilala sa Amerika.