
Isa ang aktres na si Aiko Melendez sa mga naging matagumpay na celebrities na pumasok sa mundo ng pulitika. Sa katunayan, nitong 2025 elections ay nanalo siya bilang Quezon City councilor sa ikalawang pagkakataon.
Kaya naman, sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, June 9, tinanong ni King of Talk Boy Abunda si Aiko kung gusto ba nito maging mayor ng Quezon City.
Diretsang sinagot ito ni Aiko, “Oh, no. That's a very straight answer. No. I don't see myself in the administrative area. I'm more on the legislative.”
Ngunit nilinaw naman din ni Aiko na sa ngayon, mas gusto pa rin niyang maging isang pulitiko kaysa isang aktres.
Samantala, nabanggit naman ni Boy na isa sa mga hindi mawawala sa pulitika o showbiz man ay ang kontrobersiya. Dito, tinanong ng batikang host ang aktres kung naniniwala ba siya sa mga sinasabi ng tao na mas magaan ang kontrobersiya sa showbusiness kumpara sa pulitika.
Ang sagot ni Aiko, “Same lang ang gravity niya.”
Paliwanag ng aktres, “Ang handling lang sa politics, Tito-ninong, they attack you personally. In show business din naman, now that social media is all around, they can always attack you personally also.”
Wika pa ni Aiko, ang pinagkaiba lang ng kontrobersiya ng pulitika sa showbusiness ay may kalakip na boto ang mawawala kapag nadawit ka sa kontrobersiya.
“Kapag 'yung reputation mo is na-tarnish, ang sacrifice niyan, the next time around na tatakbo ka, medyo mahihirapan ka sa karera mo. That's why for me, Tito-ninong, you have to be careful with your actions, lalo na ngayon, think before you click, 'di ba? And before you do anything now, you have to think. Kasi ang tao ngayon is mas judgemental sila,” saad ni Aiko.
Matatandaan na nagsimula ang karera ni Aiko sa pulitika noong manalo siya bilang second district councilor ng Quezon City noong 2001, na hinawakan niya hanggang 2010.
Taong 2022 naman noong tumakbo at nanalo si Aiko bilang Quezon City councilor ng fifth district, at muling tumakbo at nanalo nitong 2025 elections.
BALIKAN ANG CELEBRITIES NA NANALO SA 2025 ELECTIONS SA GALLERY NA ITO: