GMA Logo Aiko Melendez
Source: Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

Aiko Melendez shares the truth about being an actress: 'It's so hard'

By Kristian Eric Javier
Published June 10, 2025 2:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kuya Kim shares last family photo with daughter Emman Atienza from Christmas Eve 2024
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Aiko Melendez


Hindi maitatanggi ni Aiko Melendez kung gaano kahirap ang maging isang artista. Basahin dito.

Para kay actress-politician Aiko Melendez, malaki ang pagkakaiba sa buhay ng isang artista kumpara sa mga wala sa show business. Isa sa mga challenges umano ng mga artista ay ang pagkaka-expose ng buhay nila sa oras na tumapak sila sa harap ng TV na hindi mararanasan ng isang hindi naman artista.

“The minute that you come out on TV, you make yourself public and you're accessible to everyone already. Unlike when you're just someone from an ordinary life e hindi ka nila pakikialamanan,” saad ni Aiko sa panayam sa kaniya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, June 10.

Pagbabahagi pa ng batikang aktres, isa sa mga naging challenge niya bilang isang artista ay ang paglabas sa role na nakasanayan na nila.

“When I was doing Primadonnas here in channel 7, that's for two books, so almost two and a half years. Every day, almost talagang masama 'yung role mo, and when you come back to reality, you're not like that, it's so hard,” kuwento pa ni Aiko.

Sinangayunan din niya ang sinabi ni Boy na mahirap ang maging isang artista, “Whoever says that it's easy, they're lying.”

Pinabulaanan din ni Aiko ang sinasabi ng mga tao na mahirap makahanap ng tunay na kaibigan sa industriya. Aniya, mahirap lang ito kung hindi bukas ang isang aktor na meron siyang mahahanap na kaibigan.

“Kaya lang, hindi mo rin maaalis pagka meron kang tunay na kaibigan na dadaan din kayo sa mga bumps sa buhay. [Boy: Sa mga pagsubok.] Oo. Wala namang tao na hindi dumadaan sa challenges, Tito-ninong, 'di ba? Kahit ordinaryong tao dumadaan du'n,” sabi ni Aiko.

Ilan sa mga matatalik na kaibigan ni Aiko ay ang kapwa mga aktres na sina Carmina Villaroel, Candy Pangilinan, at ang magkapatid na sina Gelli at Janice de Belen.

Panoorin ang panayam kay Aiko rito:

BALIKAN ANG ILANG PINOY CELEBRITIES NA INIWAN ANG BUHAY SHOWBIZ SA GALLERY NA ITO: