GMA Logo Analyn Barro
Source: analynbarro (IG) and FTWBA
What's on TV

Analyn Barro, napatigil nang tanungin kung ilan sa 'Bubble Gang' co-stars ang nanligaw sa kaniya

By Aedrianne Acar
Published June 11, 2025 11:10 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Timely Stephen Curry scoring helps Warriors defeat Mavericks
Christmas not the same for all, calamity survivors show

Article Inside Page


Showbiz News

Analyn Barro


What is the meaning of this? May inamin si 'Bubble Gang' star Analyn Barro tungkol sa mga nanligaw noon sa kaniya na Ka-Bubble barkada.

Nalagay sa hot seat ang multi-talented Sparkle actress na si Analyn Barro nang mag-guest ito sa Fast Talk with Boy Abunda. Tinanong kasi siya kung may nanligaw ba sa kaniyang co-star sa longest-running gag show na Bubble Gang.

Hirit ng Kapuso comedienne, “Ano ba yan! Pero hi sa kanila kung sino man sila. Mga 'in a relationship' na rin yata sila [laughs].”

Sundot na tanong ng King of Talk, “Pero ibig sabihin sila? Marami nanligaw sa'yo sa Bubble Gang?”

“Ano po sakto lang po Tito Boy.” Nang tanungin naman ni Boy kung ilan, ang tugon naman ni Analyn: “Sakto lang po.”

Binigyang diin ni Analyn na sa ngayon ay single siya at focus muna sa showbiz career.

Paliwanag niya sa Fast Talk, “Work lang po 'yung karelasyon ko ngayon. Talagang work, work, work muna ako mamaya na po 'yan. Makakahintay 'yan, wait ka lang.”

“Work lang po talaga muna ako ngayon Tito Boy, kasi habang okay pa, work muna tayo,” aniya.

A post shared by ANA B. 🌺 (@analynbarro)

RELATED GALLERY: Analyn Barro's photos that prove she is a total babe