
Unang nagkakilala at naging magkaibigan sina Analyn Barro at Arra San Agustin sa ika-anim na season ng reality artista search na StarStruck. At sa halos sampung taon ng kanilang pagkakaibigan, mas nakilala na ng dalawang aktres ang isa't isa.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, June 10, kinumusta ni King of Talk Boy Abunda ang pagkakaibigan nina Analyn at Arra. Ayon sa batikang host, madalas napagkakamalang magkapatid ang dalawang Sparkle stars, o kaya naman ay napagpapalit sa isa't isa.
Kaya naman, tanong ni Boy, ano nga ba ang pagkakaiba nina Analyn at Arra?
“Lagi ko pong sinasabi, kung nalilito sila kung sino si Analyn at Arra, si Arra po 'yung introvert, si Analyn po 'yung extrovert,” sabi ni Analyn.
BALIKAN ANG ILANG INSEPARABLE CELEBRITY FRIENDSHIPS SA GALLERY NA ITO:
Isa pang malaking pagkakaiba nila ayon kay Arra, mas matipid siya, at puwedeng bumili ng unbranded na gamit, kumpara kay Analyn na mas magastos, ngunit minimalist, at mahilig sa branded.
“Ako parang more on super matipid ako, I'm on the cheaper item, parang ganu'n. Kasi ikaw (Analyn) may mga branded ka, e. Ako, hindi talaga ako bumibili, hindi talaga ako bumibili, Tito Boy,” sabi ni Arra.
Paliwanag naman ni Analyn sa pagbili niya ng branded na gamit, “Me, I buy. I would kasi po kasi po maraming beses ko rin naman siya susuotin so girl math, i-divide mo lang 'yun ng ilang taon, same lang din 'yung price.”
Saad ni Arra, madali kasi siyang magsawa sa mga gamit kaya unbranded at less pricey lang ang binibili niya. Pagbabahagi pa ng aktres, mas madiskarte kasi ang kaniyang kaibigan na kayang ibenta pa ang nabiling mga gamit. Samantalang siya, matatambak lang umano sa kanilang bahay.
Ngunit isang bagay na pinagkakasunduan nila, tuwing nagta-travel, economy class na flights lang din ang kanilang kinukuha.
“Kunyari magpa-fly ako, magta-travel, tatanungin ako niyan (mother ni Arra), 'Ano, may ipon ka ba? May work ka ba? Bakit ka lilipad?' Pero hindi naman bad intention. Economy ako lagi, Tito Boy,” pagbabahagi ni Arra.
Saad naman ni Analyn, “Ako po, balance lang, I always find the right balance of enjoying what I have and siyempre ipon po. Kasi ayoko rin po mag-super ipon ta's 'di ko na alam, hindi ko na na-e-enjoy ' yung buhay ko. So laging balance po. Economy lang din po ako.”
Panoorin ang panayam kina Analyn at Arra dito: