
Bukod sa storya at bagong mga karakter, isa sa mga inaabangan sa Encantadia Chronicles: Sang'gre ay ang mga kakaiba at espesyal na armas ng mga bagong tagapangalaga ng mga brilyante.
Sa pagbisita nina Faith Da Silva, Angel Guardian, Kelvin Miranda, at Bianca Umali sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, June 16, ipinamalas nila ang kani-kanilang mga armas na gagamitin sa serye.
Noong May 29 episode ng naturang show, nauna nang naipamalas ni Bianca Umali, ang gaganap bilang si Sang'gre Terra, ang kaniyang mga armas. Ang pares ng balangis o arnis sticks ni Terra ay namana niya sa kaniyang ina na si Danaya. Ngunit para kay Terra, maaari niya itong buuin para maging isang bo staff.
Kuwento ni Bianca, habang nakikipaglaban si Terra gamit ang bo staff ay maaari niya itong paghiwalayin para maging pares ng arnis.
Sa episode ngayong June 16, ipinakita naman ni Angel, ang gumaganap naman kay Deia, ang kaniyang armas, ang kaniyang bow and arrow, at pares ng pickaxe. Pagbabahagi pa ng aktres, dati na siyang nag-archery, ngunit tinigil din ito.
“Nag-a-archery po talaga ako before, before Encantadia. Pero matagal po akong nahinto and bumalik ako because of Deia,” pagbabahagi ni Angel.
Dalawa rin ang armas ni Kelvin, ang aktor na ginagampanan ang karakter ni Adamus. Ang isang armas niya ay espada, habang ang isa naman ay base umano sa chakram. Ang chakram ay isang circular bladed weapon galing India na puwedeng ibato bilang pag-atake.
Gaya ng tradisyonal na chakram, saad ni Kelvin, ang kaniyang armas ay maaaring maghiwalay para gawing dalawang bladed weapons.
Katulad ng kay Terra, galing din sa kaniyang ina na si Pirena (Glaiza De Castro) ang isa sa mga armas ni Flamarra, na ginagampanan naman ni Faith Da Silva. Habang ang isang armas naman ng bagong Sang'gre ng apoy ay isang bladed na baril na galing sa mga Punjabwe.
KILALANIN ANG MGA KARAKTER NG UPCOMING SERIES NA 'ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE' SA GALLERY NA ITO: