GMA Logo Zeinab Harake, Bobby Ray Parks Jr
Source: Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

Zeinab Harake, Bobby Ray Parks Jr., binalikan ang simula ng kanilang relasyon

By Kristian Eric Javier
Published June 18, 2025 12:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

High-profile drug suspect arrested in Iloilo; P6.12M alleged shabu confiscated
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City
Isay band shines as first-ever Distilled Sounds PH champion

Article Inside Page


Showbiz News

Zeinab Harake, Bobby Ray Parks Jr


Alamin ang love story nina Zeinab Harake at Bobby Ray Parks Jr.

Naging usap-usapan ang kasal kamakailan lang nina Zeinab Harake at Bobby Ray Parks Jr. dahil sa en grande nilang selebrasyon. Ngunit paano nga ba nagsimula ang love story nila?

Sa pagbisita nina Zeinab at Ray sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, June 17, ibinahagi nila na nakaramdam sila ng spark sa ikatlong date nila, bago umalis papuntang Japan si Ray.

Ani Zeinab, “Actually, hindi pa siya considered a date. Feeling ko 'yung considered na date na is 'yung last, sa Batangas, 'yung last before siya mag-Japan. 'Yung dalawa po kasi galing akong work. 'Yung first, na-meet ko lang siya sa same location na nandu'n ako. Second, galing akong work, so hindi siya 'yung kaming dalawa lang. 'Yung third time po 'yung kaming dalawa lang.”

Pagpapatuloy ni Ray, sa pangatlong pagkikita lang sila nagkaroon ng intimacy at closeness kaya iyon lang ang maituturing nilang date.

Pag-amin naman ni Zeinab, hindi pa siya handa noong mga panahon na iyon para sa bagong love. Kaya naman, puro pakilig lang siya at hindi pa seryoso kay Ray. Ang hindi niya umano inaasahan, may ibang plano ang tadhana para sa kanila.

TINGNAN ANG NAKAKAKILIG NA WEDDING VOWS NINA ZEINAB AT RAY SA GALLERY NA ITO:

Kuwento ni Zeinab, may nagregalo sa kanya noong birthday niya noong 2022 ng ticket papuntang Japan, ngunit hindi hindi niya ito nagamit. Kaya naman, nang magpunta si Ray sa Japan noong 2023, nakapunta rin ang social media star sa naturang bansa.

Ngunit dahil nasa Tokyo siya at nasa Nagoya naman si Ray, gumawa ng paraan ang basketball star na makapunta kung nasaan si Zeinab.

Hindi pa rin doon nagsimula ang ligawan nila dahil sa ikalawang balik pa ni Zeinab sa bansa, kung saan mag-isa na siyang pumunta, sila nagsimula. Nilinaw naman ni Ray na kahit LDR (long distance relationship) sila ay hindi nawala ang komunikasyon nila sa isa't isa.

“Hindi po nawala. Ako 'yung nangungulit, ako 'yung nanggugulo sa kanya,” sabi ni Ray.

Aminado rin si Zeinab na nonchalant siya noon sa mga unang buwan na nag-uusap sila ni Ray at sinabing may pader siya sa puso.

“Takot lang din ako kasi basketball player, sa abroad nagtatrabaho, hindi naman siya pangit. Feeling ko, nakakatakot. May ganu'n akong takot na puwede akong lokohin, or kaya baka ang daming girls, ganyan. Pero pinatunayan naman po niyang wala,” sabi ni Zeinab.

Ani Ray, alam naman niyang may mga pader lang si Zeinab dahil sa mga pinagdaanan nito kaya naman, hindi niya ito tinigilan.

“Na-in love po talaga ako sa puso niya kasi sobrang genuine ng heart niya and alam kong may pinagdadaanan lang talaga siya,” sabi ni Ray.

Kaya naman, isang taong matapos maging opisyal ang kanilang relationship ay nag-propose na si Ray kay Zeinab, at natanggap nito ang matamis na oo ng social media star.

Panoorin ang panayam kina Zeinab at Ray dito: