What's on TV

Kylie Padilla at Kazel Kinouchi, parehong in a relationship

By Kristian Eric Javier
Published June 21, 2025 10:23 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Celebrity breakups that shocked the nation in 2025
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News

kylie padilla and kazel kinouchi


Alamin ang update nina Kylie Padilla at Kazel Kinouchi tungkol sa kanilang love life dito:

Nagbigay ng update sa estado ng kanilang mga puso ang My Father's Wife stars na sina Kylie Padilla at Kazel Kinouchi.

Sa pagbisita nina Kylie at Kazel sa Fast Talk with Boy Abunda, napag-usapan ang kanilang buhay pag-ibig nang tanungin ni Boy, "Are you in a relationship?"

Maiksi ngunit siguradong sagot ni Kazel, “Yes.”

Ito rin ang naging sagot niya nang mag-follow up si Boy kung masaya siya sa kaniyang current relationship.

Tinanong din ng batikang host si Kylie kung meron bang nagpapatibok ng puso nito.

Sagot ng aktres, “Meron naman.”

Pero hinayaan na ni Boy na matapos dito ang kanilang usapan.

SAMANTALA, BALIKAN ANG CELEBRITY COUPLES NA MAY LONG-LASTING NA SAMAHAN SA GALLERY NA ITO:

Sa parehong panayam, sinabi ni Kazel na siya 'yung tipo ng tao na gustong nagtitira ng pagmamahal para sa sarili.

Aniya, naranasan na niya na mawalan ng pagmamahal sa sarili.

“You lose yourself just to make someone happy. In the long run, wala, masisira ka. So magtira, and ngayon nga, ang-iba na 'yung outlook ko sa life. Talagang mas gusto ko na 'yung mas mahal ako kaysa mas mahal ko,” sabi ni Kazel.

Siya rin daw yung tipong ipaglalaban ang isang relationship hanggang kaya niya kahit lokohin pa siya. Sa katunayan, handa siyang magbigay ng maraming chances hangga't kaya niya.

Sa kabilang banda, sumusubok naman ng bago si Kylie pagdating sa relationship matapos aminin na hindi niya na-survive ang mga pinagdaanan niyang dagok sa puso.

“I'm trying something new where I'm trying to understand how God would love. If God can love me, and forgive me, and come from a place na hindi nauubos, baka kaya ko rin,” sabi ng aktres.

Pagpapatuloy pa ni Kylie, “Lagi akong nagdadasal na 'Teach me how you love the way you do' kasi I don't wanna be shaped by the bad things that traumatized me or that hurt me.”

Gusto raw niyang ipakita sa kaniyang mga anak na kahit ano pa ang mangyari, kailangan lahat ng ginagawa nila at dahil sa pagmamahal.