
Single man ngayon ang Akusada actress na si Andrea Torres, bukas naman siyang makakilala ng iba't ibang tao para makahanap ng potential partner.
Sa Fast Talk with Boy Abunda, ibinahagi ni Andrea ang kaniyang pilosopiya sa pagmamahal, at kung ano nga ba ang hinahanap niya sa isang partner.
“Hindi na bago sa'kin po 'to, ah? Kasi usually talaga, in between ng boyfriend ko, two years, three years. Matagal talaga,” sabi ng aktres.
Kinumpirma din ni Andrea na si Derek Ramsay ang huling nakarelasyon niya three years ago.
Nang tanungin naman siya ni King of Talk Boy Abunda kung actively naghahanap siya or naghihintay, sinabi ni Andrea na “go with the flow” lang siya pagdating dito.
“Pagkasinabi ng friends ko na 'Uy, meet mo 'to, feeling ko, bagay kayo.' Sige, imi-meet ko 'yan, tingnan natin,” sabi ng aktres.
Sabi pa ni Andrea, hinahanap lang niya ang spark, ang connection at kilig na nararamdamn niya para sa isang tao.
“May nafi-feel ako Tito Boy na connection at kilig na lagi ko hinahanap na alam kong once ma-feel ko 'yun, dire-diretso na,” sabi ni Andrea.
Pag-amin ni Andrea, wala pa siyang naramdamang spark sa mga nakilala niya. Aniya, okay naman ang personality sana ng mga nakikilala niya, ngunit “kailangan mong ipilit 'yung kilig.” Alam naman niya umano na kapag handa na talaga siya ay darating ito nang kusa.
Nang tanungin naman siya kung ano ang hinahanap niya sa kaniyang potential boyfriend, sinabi ni Andrea na mas sa personality siya tumitingin kaysa sa looks.
“Kung magja-jive kami, kung may pagka-old-school siguro siya. Atsaka du'n sa kilig na 'yun. Importante 'yun 'di ba, Tito?” saad ng aktres.
Nang hingan naman siya ng mensahe ng batikang host para sa future boyfriend, sabi ni Andrea, “Hi, honey. 'Wag ka nang mainip, I'm coming soon. Tapusin ko lang 'tong show.”
BALIKAN ANG MGA LEADING MEN NI ANDREA THROUGH THE YEARS NA NAGPAKILIG SA MARAMI SA GALLERY NA ITO: