
Aminado si Sparkle star Ashley Ortega na hanggang ngayon ay parte pa rin ng kaniyang mga panalangin ang kaniyang ina. Kahit pa umano nagkaroon sila ng problema at nalamatan ang kanilang relasyon, patuloy pa ring sinisikap ng aktres na magkaayos sila.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, September 26, binalikan ni King of Talk Boy Abunda ang isang pagbisita ni Ashley sa naturang programa kung saan una niyang naibahagi ang relasyon sa kaniyang ina.
Matatandaan na pagkatapos niyang lumabas sa Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition ay sinubukan niyang mag-reach out sa kaniyang ina, ngunit hindi pa ito sumasagot.
Nang hingan siya ng batikang host ng dasal para sa ina, sabi ni Ashley, “She's always part of my prayers every night and 'yung lagi kong dasal kay mama is to have peace of mind, is to have good health, to find peace. 'Yun lang lagi, as in paulit-ulit.”
Pagtitiyak pa ng aktres ay hindi siya mapapagod na ipagdasal ang kaniyang ina.
Sa April 7 episode ng naturang GMA Afternoon Prime talk show kung saan guest sila ng ka-duo na si AC Bonifacio, unang inamin ni Ashley na nag-reach out siya sa kaniyang ina. Sinabi niya doon na malaki ang parte niya sa hidwaan nilang mag-ina.
“Maraming pinanggalingan but of course, at the end of the day, alam kong meron din akong pagkakamali. It's more of as I get older, my mom gets stricter,” she said. “I wanted to grow, I wanted to learn and make decisions on my own. Doon nanggaling 'yun eh. I wanted to have the freedom to decide for myself. Doon nagsimula 'yun,” sabi ng aktres.
Sa panayam ni Aubrey Carampel sa kaniya at sa iba pang PBB housemates sa 24 Oras noong April 21, ibinahagi ni Ashley na inaayos pa nila noong mga panahon na iyon ang relasyon nila ng ina.
“Honestly, we're still working on it. Sobrang tagal din kasi ng three years na hindi pag-uusap and malalim din 'yung sugat na nabigay namin sa isa't isa. But I'm always reaching out. Pero baka need time pa,” sabi ng aktres.
Dagdag pa ni Ashley, noong Mother's Day ay sinubukan din niyang makausap ang ina at nagbigay rin siya ng message.
Panoorin ang panayam kay Ashley rito:
TINGNAN ANG PAGKAKAIBIGAN NINA ASHLEY, SHUVEE ETRATA, SKYE CHUA, AT ROXIE SMITH SA GALLERY NA ITO: