GMA Logo Faye Lorenzo
Source: fayelorenzo_ (IG)
What's on TV

Faye Lorenzo, napatawad na ba ang ina sa pag-iwan sa kanila?

By Kristian Eric Javier
Published October 24, 2025 1:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Who will be the prosecutors in VP Sara Duterte's impeachment trial?
GMA Pictures finds Ella Arcangel voice talent, teases netizens to guess who it is
OFWs repatriated due to Middle East crisis welcomed at job fair

Article Inside Page


Showbiz News

Faye Lorenzo


Sobrang sakit daw para kay Faye Lorenzo na mawalay sa kaniyang ina.

Hindi naging biro ang naging naranasan ni Faye Lorenzo. Bukod kasi sa nangyari sa kaniyang ama, bata pa lang ay iniwan na sila ng kanilang ina. Ngunit paglilinaw ng aktres, napatawad na raw niya ito.

Sa pagbisita niya at ng Hating Kapatid co-star na si Valerie Concepcion sa Fast Talk with Boy Abunda noong Huwebes, October 23, binalikan ni King of Talk Boy Abunda ang istorya ng pagkawalay ni Faye sa kanilang ina.

“Lumaki kami sa lola ko, so lumaki ng walang mama pero nandu'n naman 'yung lola ko, mahirap talaga kasi wala kang guidance ng mommy mo,” sabi ng aktres.


BALIKAN ANG KUWENTO NG BUHAY NI FAYE NA ITINAMPOK SA 'MAGPAKAILANMAN' SA GALLERY NA ITO:


Pag-amin ni Faye, noong una ay hindi niya naiintindihan kung bakit sila iniwan ng kanilang ina. Saad pa ng aktres ay puro galit lang ang naramdaman niya lalo na at kalaunan ay siya na ang naging bread winner ng kanilang pamilya. Ngunit habang tumatanda ay mas naiintindihan niya na raw ang nangyari.

“Bakit pa ako magagalit, parang sayang naman 'yung chance na ibinigay ni Lord sa 'kin na magpatawad. Para din 'yun sa 'kin, e. Para din ma-heal ko 'yung sarili ko, so nagpatawad ako. At saka mas masarap magpatawad kaysa magkimkim ng galit,” sabi ni Faye.

Ani Faye, humingi na ng tawad ang mama niya at napatawad na rin naman niya ito. Sa katunayan, kasama niya ang kaniyang ina ngayon na bumabawi sa mga naging pagkukulang nito.

Unang ibinahagi ni Faye ang tungkol sa pag-iwan ng kaniyang ina sa panayam ng aktres sa parehong GMA Afternoon Prime talk show noong 2023.

Panoorin ang panayam kina Faye at Valerie dito: