What's on TV

Robin Padilla, na-miss nang husto si BB Gandanghari

By Kristian Eric Javier
Published October 29, 2025 3:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD sets aside P30B for cash aid amid fuel price hikes
Arellano University captures 7th straight cheerleading title
Phoenix Petroleum responds to Hidilyn Diaz's 'free fuel for life' controversy

Article Inside Page


Showbiz News

robin padilla and bb gandanghari


Malaki na ang pinagbago ng relasyon ng magkapatid na sina Robin Padilla at BB Gandanghari.

Aminado si Robin Padilla na matagal bago niya natanggap ang kapatid na si BB Gandanghari matapos itong magpalit ng kasarian.

Ayon sa aktor-turned-politician, na-miss niya nang husto ang kapatid matapos hindi mag-usap ng matagal na panahon.

Sa pagbisista nina Robin at asawa nitong si Mariel Padilla sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, October 29, binalikan ni King of Talk Boy Abunda ang pagbisita ni BB sa naturang show.

Aniya, “Matagal pero nakakatuwa, the last conversation I had with her, dumating din 'yung panahon na tinatrato na ako ng aking kapatid bilang ako. Saan 'yung pivot?”

Sagot ni Robin, “Na-miss ko siya, e. Kasi kaming dalawa 'yung nu'ng bata kami, kasi magkasunod kami, e. Nu'ng nag-out siya ng ganiyan, hindi na kami nag-usap. Na-miss ko siya. Na-miss ko 'yung utol ko.”

Kaya naman, ayon kay Robin, nang dumating ang pagkakataon na maging close sila ulit ay kinuha na niya ito, at sinabing na-miss niya sa buhay ang relasyon niya sa kapatid.

BALIKAN ANG COLORFUL TRANSFORMATION NI BB GANDANGHARI SA GALLERY NA ITO:

Pagbabahagi naman ni Mariel, nagkaroon sila ng pagkakataon na makasama si BB at ipinahayag kung gaano sila ka-proud sa mga narating nito, lalo na noong magtapos ito bilang suma cum laude mula sa Los Angeles Film School sa kursong Bachelor of Science in Entertainment business.

Ani Robin, mas masaya na sila ngayon lalo na at hindi na sila nag-aaway-away, di tulad noong hindi pa nila natatanggap si BB.

Dagdag pa ni Mariel, “Atsaka as they were accepting her, she was also getting to know her new self.”

Sa January 14 episode ng naturang Afternoon Prime talk show, ibinahagi ni BB kung gaano siya ka-grateful sa pagtanggap ni Robin at ng iba pa nilang mga kapatid sa kaniya.

“Si Robin at si Rustom ay brothers, so they treat each other as brothers. And then, ang pinakamalaking pagkakaiba, tinatrato ni Robin si Rustom as kuya. Ngayon ang relasyon ko kay Robin is brother and sister. Ramdam na ramdam ko 'yan,” sabi ni BB.

Aniya, nire-recognize na rin ni Robin ang kaniyang pagiging babae sa pamamagitan ng ilang gestures.

“He's treating me as a sister now more than a brother. And then also, dahil iba na 'yung personality, tinatrato niya 'ko bilang mas batang kapatid,” sabi ng dating aktres.

Panoorin ang panayam kina Robin at Mariel sa video sa itaas.