What's on TV

Mag-inang KC Concepcion at Sharon Cuneta, mas bumuti na ang relasyon

By Kristian Eric Javier
Published October 30, 2025 10:05 AM PHT

Around GMA

Around GMA

May-ari ng baril na ginamit sa pamamaril sa paaralan sa Tacloban, pinakakasuhan ng DOJ
Jong Madaliday, may toyo ang Chicken Pastil?! | Farm to Table
'Home Alone in Concert' is happening in Manila this December

Article Inside Page


Showbiz News

kc concepcion and sharon cuneta


KC Concepcion: "Para kaming mag-best friends."

Mas maganda na umano ngayon ang relasyon ni KC Concepcion sa kaniyang inang si Megastar Sharon Cuneta.

Sa katunayan, mas natural na ang kanilang kwentuhan at may mga pagkakataon pang nakakahingi na siya ng advice sa kaniyang mommy.

“After a while, sobrang okay na kami ni mama, sobrang nagmamahalan kaming pamilya, so napakasaya ko po,” sabi ni KC sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, October 29.

Ayon sa singer-actress, nagsimula ang kanilang magandang relasyon noong Pasko, noong bumisita si Sharon sa kaniyang bahay. Aniya, umabot ng ilang oras ang kanilang kwentuhan noong araw na 'yun.

“Sobranag excited ko po, four hours or five hours po kaming nag-usap sa living room ko. And then, lahat napag-usapan namin, para kaming mag-best friends,” sabi ni KC.

BALIKAN ANG BIRTHDAY SURPRISE NI SHARON KAY KC SA GALLERY ITO:

Pagpapatuloy pa ni KC, “Mas natural na po [ang kwentuhan], thank God. Kaya ko na po siyang sabihan ng 'Ma, I need girl talk, call me.' Seven ng umaga, kapag gigising siya to go to work, natatawagan pa niya ako. 'Ano'ng nangyari?' 'Ma, kailangan ko ng advice mo, paano 'to? May na-meet ako.'”

Binalikan din ni KC ang pinakaimportanteng leksyon na natutunan niya mula sa Megastar: “Sabi niya sa akin, ''Wag mong masyadong isipin 'yung sasabihin ng mga tao.' And may mga dumadating sa buhay ko, Tito, na talagang sabi niya sa akin, When in doubt, don't.'”

Noong April ay sinorpresa din siya ng kaniyang mommy nang maki-celebrate ito ng kaniyang ika-40 kaarawan sa Amanpulo, Palawan.

“Na-surprise ako, Tito. May mga butler po kasi du'n sa mga villa, sabi po, 'Andito na po 'yung cake ninyo, kailangan na po natin mag-blow ng kandila.' Ganu'n, lakad ako. 'Asaan 'yung cake?' Hanggang ngayon wala po akong cake nu'ng birthday ko, pero po ang nandu'n, si mama. Sabi, 'Ito na 'yung cake mo, surprise!'” pag-alala ni KC.

Ito rin umano ang unang pagkakataon sa loob ng matagal na panahon na nagkasama sila sa kuwarto at nagkatabi pa sa kama. Dito umano naramdaman ni KC na nagmamahalan talaga silang mag-ina.

Panoorin ang panayam kay KC sa Fast Talk With Boy Abunda video sa itaas.