
Isang blessing para kina Rocco Nacino at Melissa Gohing ang pagdating ng kanilang ikalawang baby sa 2026. Sa katunayan, sa isang announcement video na pinost ng dalawa, inamin nilang pinagdasal nila ang second baby na ito.
Sa pagbisita ni Rocco kasama ang Bar Boys: After School co-star na si Kean Cipriano sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, December 18, inamin nito na nagkaroon ng maraming komplikasyon ang unang pagbubuntis ng asawa sa anak nilang si EZ. Kaya ngayon, mas inaalagaan na niya ang asawa.
“'Yung first pregnancy, Tito Boy, nagkaroon siya gestational diabetes, hypothroidism, 'yung pagfe-flare ng balat, ang dami, e. So this time, mas maingat na po kami. Ako 'yung nagbabantay, 'Isang doughnut ka lang,'” pagbabahagi ng aktor.
Pagtitiyak pa ng aktor, healthy pareho sina Melissa at ang kanilang parating na baby. Ibinahagi rin ni Rocco ang isang fun fact sa kanilang second baby, “We're waiting for him to arrive itong March. Same birth month ko. Silang dalawa ng first namin, October.”
May napili na rin daw silang pangalan para sa kanilang baby boy, ngunit hindi pa ito ibinahagi ng aktor.
September ngayong taon nang ianunsyo nina Rocco at Melissa ang pagkakaroon nila ng ikalawang baby sa pamamagitan ng isang video post. Sa video, makikitang nakaterno ng denim ang pamilya habang sumasayaw sa awit ni Britney Spears na “Hit Me Baby One More Time.”
Sulat ni Rocco sa caption ng post, “Hit me baby one more time… Coming soon this 2026!”
Samantala, sa text sa dulo ng video, nakasaad, “We prayed. He answered.”
Panoorin ang panayam nina Rocco at Kean dito: