GMA Logo Bela Padila
Source: Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

Bela Padilla, tanggap ang bansag sa kaniya bilang Queen of Heartbreaks

By Mark Joseph F. Carreon
Published February 26, 2026 1:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

ICC judges sue Trump administration over sanctions
Tagbilaran City Police, Gimanduan sa Pag-imbentaryo sa Tanang Service Firearms | Balitang Bisdak
Local fast food giant scores double victory at PR Awards Asia-Pacific for Gaming and Literacy Campaigns

Article Inside Page


Showbiz News

Bela Padila


Tanggap ni Bela Padilla ang bansag sa kaniya bilang Queen of Heartbreaks at sa katunayan, natutuwa siya sa mga reaksyon ng tao sa kaniyang mga pelikula.

Hindi umano alintana ng aktres na si Bela Padilla ang bansag sa kaniya bilang Queen of Heartbreaks o kaya naman ay Reyna ng mga mapanakit na pelikula.

“Okay naman sa 'kin 'yun, Tito Boy kasi feeling ko 'yung movies ko are really cathartic, mapanakit sa umpisa, pero lumalabas sila na nagkukwentuhan sila, may discussion,” sabi ni Bela sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules.

Sa katunayan, may nakikita pa nga siya sa TikTok na mga essay at nagdidiskusyon tungkol sa kaniyang mga pelikula. Ayon sa aktres, tila nagde-defend ng thesis pa nga ang mga diskusyon na iyon.

“Parang may thesis defense, pinag-uusapan po nila lagi 'yung mga pelikula na 'Ito 'yung naramdaman ko,' parang 'Stella went through this because she needed growth,' ganiyan,” sabi ng aktres.

BALIKAN ANG NAGING BUHAY NI BELA SA LONDON SA GALLERY NA ITO:

Binalikan din ni King of Talk Boy Abunda ang dating mga pelikula ni Bela at ayon sa batikang host, may nakakapansin na umiiyak si Bela kasabay ng ulan. Ngunit paliwanag ng aktres, nagkakataon lang iyon sa mga dati niyang pelikula, ngunit sa pelikula niyang A Special Memory, sinadya nila ito.

“Device po kasi 'yung ulan sa character ko kasi I have early onset Alzheimer's, so I love how the script was written, it was so brilliant. Parang sinulat po siya ng National Artist natin, Sir Ricky Lee, and directed by Direk Jerry Lopez Sineneng. They created the film in a way na because hindi siya makaalala, kailangan mabuhay 'yung ibang senses niya, 'yung pang-amoy niya, 'yung pakiramdam ng mga kamay,” pagbabahagi ni Bela.

Isa umano itong paraan para makaaalala ang karakter niya sa pelikula, lalo na at masarap umano sa pakiramdam ang ulan. Ngunit paglilinaw ni Bela, ayaw niya sa ulan.

“I hate the rain, same, Tito Boy, I don't. It makes me so sad. I don't like the rain. Kaya siguro pinapaiyak ko na lang kayong lahat 'pag umuulan sa eksena,” natatawang sabi nito.

Panoorin ang panayam kay Bela dito: