Christian Bautista, inaming maraming beses nang naisipang umalis sa showbiz

Twenty years na ang Kapuso singer na si Christian Bautista sa industriya.
Bagamat hindi nanalo sa sinalihang singing competition noong 2003, isa siya sa mga naging successful balladeer sa bansa at nakilala rin sa iba pang parte ng Southeast Asia kaya naman binansagan siyang Asia's Romantic Balladeer.
Sa loob ng 20 years, inamin ni Christian na hindi laging sagana ang kanyang career.
Kwento niya sa 'Fast Talk with Boy Abunda' nitong Martes, May 30, "Mahirap sa industriyang ito, hindi s'ya madali. Merong mga good days, bad days, good months, bad months, good years, bad years."
Ayon kay Christian, ang pinakamahirap sa show business ay ang pag-maintain ng kasikatan.
"Hindi laging merong success na sometimes ikaw 'yung gagawa o ikaw 'yung maghahanap ng success. Minsan kailangan hanapin mo s'ya or you build it yourself.
"We like the acclaim e, we like the applause. Minsan 'pag nawala, nawawala 'yung center natin o bakit wala nang applause, wala nang acclaim. That's why God is so important. Faith is so important."
Naisip na rin daw ni Christian ni lisanin ang kanyang entertainment career para mag-focus sa landscape architecture, pero laking pasasalamat niya patuloy pa rin siyang nabibiyayaan ng mga proyekto gaya ng 'The Clash,' na katatapos lang ng ikalimang season.
Balikan ang panayam ng King of Talk na si Boy Abunda kay Christian Bautista.








