Kyline Alcantara, binalikan ang kanyang mga pinagdaanan bago maging artista

Nakapanayam ng tinaguriang King of Talk na si Boy Abunda ang Sparkle actress at Love At First Read lead star na si Kyline Alcantara sa latest episode ng Fast Talk with Boy Abunda.
Isa sa mga napag-usapan nila ay ang mga pinagdaanan ng Kapuso star bago siya naging artista. Kabilang na rito ay ang istorya ng pagsakay nila noon ng kanyang ina sa isang truck na naglalaman ng mga gulay papuntang Maynila para makapag-audition.
Ngayon, isa na si Kyline sa mga versatile actress ng kanyang henerasyon. Sa katunayan, siya ay kasalukuyang bumibida sa bagong 'Luv Is' series ng GMA - ang television adaptation ng hit Wattpad novel na Love At First Read, na pinagbibidahan din ni Sparkle star Mavy Legaspi.
Bukod dito, napanood na rin sa iba't ibang Kapuso shows si Kyline tulad ng Kambal, Karibal, Inagaw na Bituin, I Left My Heart in Sorsogon, Zero Kilometers Away, at marami pang iba.









