Judy Ann Santos, paano nga ba umabot ng 37 years sa showbiz?

Sa ika-100th episode ng Fast Talk with Boy Abunda, nakapanayam ng King of Talk na si Boy Abunda ang isa sa mga pinakamahusay na aktres sa Pilipinas.
Ayon kay Tito Boy, itinuturing niya ang kanyang special guest na si Judy Ann Santos bilang isa sa mga kaibigan niya sa show business.
Sa pagkukumustahan ng dalawa, isa sa kanilang napag-usapan ay ang tungkol sa pagdiriwang ni Judy Ann ng ika tatlumpu't pitong taon sa showbiz.
Kaugnay nito, ikinuwento ng aktres kung paano siya nagsimulang makilala at bakit tumagal siya sa industriya.














