Kakai Bautista at Cai Cortez, ibinahagi ang pananaw sa pag-ibig, mga lalaki, at pera

Binalikan ng comedienne-actresses na sina Kakai Bautista at Cai Cortez ang mga naging karanasan nila sa lalaki at pag-ibig sa June 21 episode ng Fast Talk with Boy Abunda.
Unang tanong ni Tito Boy sa dalawang guests, "Kaya mo bang mabuhay ng walang lalaki?"
Matapang na sagot ni Kakai, "Sa ngayon, oo. Wala namang nabubuhay ng walang kasama, but I choose to be single sa phase ng buhay ko na ito ngayon. I'm just enjoying being on my own--no distraction, kasi Tito Boy, late na ako nag-start mag-enjoy sa buhay. Gusto ko na munang namnamin 'yun."
Dagdag ni Kakai, kapag dumating na ang tamang pagkakataon para sa pag-ibig, alam niyang magiging handa na siya dahil nabigyan niya na ang sarili niya ng sapat na self-love.
May hugot naman ang sagot ni Cai, na dala ng kaniyang pagiging single mom. "Yes, napatunayan ko 'yan, being a single mom to my two kids. Napatunayan namin 'yan. We are happy and thriving.
Ikinasal si Cai noong 2016 kay Wissem Rkhami pero hindi nilinaw ni Cai sa interview ang estado ng kanilang pagsasama.
Sunod na tanong naman ni Tito Boy, "[Ano ang] Pinakaimportanteng leksyon na natutunan n'yo sa mga lalaki?"
Patuloy na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
Alamin ang kanilang mga kasagutan sa gallery na ito:















