Tyang Amy Perez, paano nga ba kinaya ang mga pagsubok sa buhay

Lingid sa kaalaman ng publiko, ang masayang It's Showtime host at batikang TV personality na si Amy Perez ay dumaan din sa matitinding pagsubok ng buhay.
Bahagi ng mga pagsubok na ito ay ang naging laban niya noon sa kaniyang first marriage kay Brix Ferraris, dating miyembro ng bandang South Border.
Sa ngayon, masaya na si Amy sa piling ng kaniyang asawa na si Carlo Castillo, at mga anak na sina Adi, Kyle, at Seyah.
Sa pagsalang ni Amy sa Fast Talk with Boy Abunda, ibinahagi niya ang mga pinagdaanang problema at kung paano niya ito hinarap.










