Sino sa Smokey Mountain members ang nanligaw kay Geneva Cruz?

Nakilala natin ang versatile actress-singer na si Geneva Cruz, dahil sa kaniyang grupo noon na Smokey Mountain na itinatag ng OPM music icon na si Ryan Cayabyab o Mr. C noong '80s.
At ngayong Biyernes ng hapon, July 21, siya ang special guest ng King of Talk na si Boy Abunda sa kanyang top-rating show na Fast Talk with Boy Abunda.
Sabi ni Tito Boy sa former 'Little Princess' actress,
“You were just so talented! As a young girl, ang sarap-sarap panoorin mo. Ang sarap-sarap pakinggan ng mga awitin na kinanta mo.”
Balikan ang masayang kuwentuhan nina Boy Abunda at Geneva Cruz at alamin kung ano kaya ang sikreto nito kung paano siya nagtagal sa mundo ng Philippine show business sa gallery na ito.
Patuloy na tumutok sa 'Fast Talk with Boy Abunda' pagkatapos ng 'The Seed of Love' sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.









