Andrea Torres, inaming minsang nao-offend sa mga komento sa pagiging sexy niya

Ilang beses nang pinatunayan ng Love Before Sunrise star na si Andrea Torres ang kaniyang sexy figure sa kanyang Instagram posts. Pero recently, inamin ng aktres na pakiramdam niya ay nao-objectify siya sa pagiging sexy, lalo na sa mga natatanggap nitong comments.
Sa interview nito sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, July 27, sinabi ni Andrea na nakakatanggap siya ng bastos na comments online.
“Parang you never get used to it kasi siyempre, umaano po sa isip ko na 'paano nila naisip na ok lang na sabihin sa'kin ito?'” sabi ng aktres.
Inamin ng aktres na kahit flattering ang gestures na iyon, na-offend pa rin siya kung papaano naisip ng netizens na okay lang ipadala ang comments na natanggap niya.
Balikan ang guest appearance ni Andrea sa Fast Talk with Boy Abunda sa gallery na ito:









