Eva Le Queen at Viñas de Luxe, binigyan ng drag name si Ice Seguerra

Lubos daw na-enjoy ni singer-songwriter Ice Seguerra ang pagiging direktor ng Drag Race Philippines Untucked.
Ang Untucked ay ang companion piece ng Drag Race Philippines kung saan mas makikita ang ilang outtakes at behind-the-scenes footage ng show at ito ang nagsilbing directorial debut ni Ice.
Ibinahagi niya ang kanyang karanasan dito sa isang recent interview sa Fast Talk With Boy Abunda.
Ayon kay Ice, malaking karangalan daw para sa kanya na maging direktor ng show dahil fan siya ng franchise.
Humanga rin daw siya na nagtutulungan ang mga queens kahit na naglalaban sila sa isang kumpetisyon.
Kasama ni Ice sa guesting niya sa Fast Talk With Boy Abunda sina drag performers at Drag Race Philippines season one contestant Eva Le Queen at Viñas de Luxe.
Silipin ang ibinahagi nila tungkol sa drag at Drag Race Philippines dito:









