Pogi Problems: Jon Lucas at Rob Gomez, sinagot ang misconception sa pagiging guwapo

Sinagot ng Kapuso hunks na sina Jon Lucas at Rob Gomez sa Fast Talk with Boy Abunda ang ilan sa mga maling paniniwala tungkol sa pagiging “guwapo.”
Kung inaakala ng ilan na puro positibong bagay o komento lamang ang natatanggap ng mga magagandang lalaki, ibinahagi nina Jon at Rob ang madalas na sabihin ng mga tao sa kanila.
Bagamat masarap ang maging confident sa iyong looks and appeal, hindi pa rin kontrolado ang magiging opinyon ng mga tao, maging sa pagiging “pogi.”
Balikan ang naging usapan nina Jon, Rob, at TV host na si Boy Abunda, DITO:











