Allen Dizon, inaming nagkasala noon pero bumalik pa rin sa asawa

GMA Logo allen dizon with family

Photo Inside Page


Photos

allen dizon with family



Twenty-five years na sa pag-aartista ang Abot-Kamay Na Pangarap star na si Allen Dizon.

Nagsimula siya noong late '90s at nakilala sa kanyang mga sexy role.

Pero lingid sa kaalaman ng marami, in a relationship na siya noon sa kanyang high school sweetheart na si Crystal na napangasawa rin niya. Mahigit dalawang dekada na silang kasal.

Kwento niya sa panayam ni Boy Abunda sa 'Fast Talk with Boy Abunda' noong Biyernes, August 4, "Yung wife ko, high school pa kami parang siya na 'yung gusto kong mapangasawa.

"Siya na 'yung gusto kong makasama habambuhay so no'ng nag-showbiz ako, kami na so kahit na nagkaroon ako ng maraming magandang [co-stars] na gusto kong ligawan, meron nang nasa puso ko, kumbaga, ito na 'yung papakasalan ko."

Inamin naman ni Allen na nagkasala siya sa misis niya noon.

Pagbabalik-tanaw niya, "Di kami naghiwalay pero nagkamali ako. Siyempre lalaki tayo, marami tayong pagkakamali. In-admit ko na 'yung pagkakamali ko sa kanya at never pumasok sa isip ko na makipaghiwalay ako dito dahil mahal ko 'to at, kumbaga, bawiin 'yung mga pagkakamali ko."

Ayon pa kay Allen, ayaw niyang mabuwag ang kanilang pamilya alang-alang sa kanilang apat na anak. "And besides, may mga anak kami e so ayokong magkaroon ng broken family 'yung mga anak ko," aniya.

Marami daw dumating na tukso pero nilabanan niya ito para masalba ang kanilang pagsasama ni Crystal.

"Naligaw ako ng landas pero 'di ako pinanghinaan ng loob. Kumbaga, 'yung temptation maraming dumadating, nakontrol ko and kailangan kong i-save 'yung relationship namin dahil walang makaka-save nito kundi ako at s'ya rin."

Paliwanag pa niya, "Kasi 'pag sinabi niyang ayaw na niya sa 'kin, tapos na, wala na 'kong magagawa. Kahit ano pang way to win her back, kapag ayaw na ng tao sa 'yo. definitely wala na 'yun."

Sa ngayon, masaya si Allen na buo ang kanyang pamilya sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan nila ng kanyang maybahay noon.

Malalaki na ang kanilang mga anak na proud na ipino-post lagi ng aktor sa social media.

Tingnan ang kanilang masayang pamilya sa gallery na ito.


Allen Dizon
Children
Beauty queen daughter
Proud dad
Barkada
Son
Vietnam
Newcomer artist
Premiere night
Vacation
New Year 2023
Family first
Tagaytay
Loving dad
Priority

Around GMA

Around GMA

Bogo City, Cebu buy-bust yields P7.5-M shabu, drug suspect
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling