Marvin Agustin, inaming may karelasyon ngayon

GMA Logo Marvin Agustin

Photo Inside Page


Photos

Marvin Agustin



Napaamin ang celebrity entrepreneur na si Marvin Agustin tungkol sa tunay na lagay ng kanyang puso ngayon.

Sa pagbisita ni Marvin sa Fast Talk with Boy Abunda, ngayong Huwebes, August 10, tinanong siya ni Boy Abunda tungkol sa mga nakatutuwang post niya online. Isa na rito ang post niya na “Ma Ling Pag-ibig,” ang larawan ng lata ng isang luncheon meat na dinikitang salitang, “pag-ibig.”

Dahil dito, diniretsa ni Boy si Marvin, “Kumusta ang lagay ng puso mo?”

“Masayang-masaya, Tito Boy,” nakangiting sagot ni Marvin.

Ayon pa sa dating aktor, sinasabi niya sa kanyang mga anak maging ang kaniyang love life.

Aniya, “Nagkukuwentuhan kami about everything. So alam nila kung kailan ako maligayang-maligaya o kung kailan ako malungkot.”

“Pinagpapawisan ako sa mga tanong mo, Tito Boy ha,” sabi pa ni Marvin kay Boy.

Hindi naman tumigil si Boy sa pagtatanong kay Marvin. Aniya, “Pero Marvin, one to ten, gaano kasaya ang iyong puso?”

“Ten,” nakangiting muling sinabi ni Marvin.

“So you're not single?” pag-uusisa pa ng TV host.

“Masaya ako,” matipid na sagot ng aktor.

Tanong muli ni Boy, “Yes or No, are you single?”

“No, I'm not single,” pag-amin naman ni Marvin.

Dito na napatayo si Boy sa kanyang kinauupuan at masayang-masaya na nakipag-appear kay Marvin.

Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

Meanwhile, here are the reasons why Marvin Agustin's charm never fades even after all these years.


He has a killer smile.
He's a compelling actor.
He's an entrepreneur.
He's a chef.
He gives back.
He's adventurous.
He's a loving father
He's a dog lover.
He's into sports.
He's a TV director.
He has good looks.

Around GMA

Around GMA

Gov’t hospitals on Code White Alert for illness, injury amid Christmas, New Year holidays
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust