Nova Villa at Maureen Larrazabal, binalikan ang naging simula nila sa showbiz at ang buhay bilang mga komedyante

Magkasama sina Nova Villa at Maureen Larrazabal na humarap sa isang interview sa Fast Talk with Boy Abunda. Dito binalikan nila ang kanilang mga naging simula sa mundo ng showbiz.
Parehong inilahad nina Nova at Maureen na matagal nilang pinangarap ang pag-aartista. At ngayon, sila na ang mga hinahangaan na mga bituin sa mundo ng comedy.
Alamin ang mga kuwento nila kay Boy Abunda sa episode ngayong August 31.











