SB19's Stell, bakit tinanggap ang offer na maging coach sa 'The Voice Generations'?

Game na nakipagkuwentuhan sa programang Fast Talk With Boy Abunda noong Martes (September 12) ang SB19 member at The Voice Generations coach na si Stell Ajero o mas kilala bilang Stell.
Sa panayam sa King of Talk na si Boy Abunda, masayang ibinahagi ni Stell ang karanasan bilang coach ng The Voice Generations, ang nananatiling magandang samahan ng phenomenal Pinoy band na SB19 at ng kanilang fans na kung tawagin ay A'TIN, at ang kanyang tunay na relationship status.
Tingnan ang ilang behind-the-scenes photos ni Stell sa Fast Talk With Boy Abunda at balikan ang ilan sa napag-usapan nila ni Boy Abunda sa gallery na ito:










